Ipinakiusap hindi pinagbigyan: Aktor ayaw nang balikan ang iniwang TV show
SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - July 2, 2013 - 12:00am

Kung noong una ay nag-promise ang isang aktor na babalikan niya ang kanyang iniwanang TV show dahil he’s too busy sa sunud-sunod na ginagawa   niyang commercials at pagsyu-shooting ng bago niyang pelikula, ngayon daw ay wala na siyang balak na balikan ito. 

May ipinakikiusap kasi ang aktor tungkol sa isang taong close sa kanya na ibalik sa network pero mukhang malabo na ibalik ito kaya nagsabi siyang hindi na rin niya tutuparin ang promise niya sa iniwanang network.

Gov. Vi nagtatago sa Twitter, aminadong mapagpatol

Ikinuwento ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto na may mini-maintain siyang Twitter account pero hindi siya nagpapakilala at ayaw din niyang sabihin kung ano ang account niya. 

Mapagpatol din kasi siya sa mga basher tulad ni Sharon Cuneta na kung minsan sinasagot niya pero walang nakakaalam na siya pala iyon. Hindi niya kasi matiis ang pambabastos ng iba sa Twitter.

Richard at Marian kakaiba ang ginawa sa My Lady Boss

Very successful ang premiere showing ng My Lady Boss sa SRO (standing room only) screening sa SM Megamall Cinema 10 sa Mandaluyong City na dinaluhan nina Richard Gutierrez at Marian Rivera, kasama si Direk Jade Castro at ibang members of the cast ng movie — Rocco Nacino, Ruru Madrid, Dion Ignacio, Benjie Paras na kasamang dumating ang kanyang wife at mga anak na sina Andrei at Kobe na tinilian din ng fans nang ipakilala ng host. 

Full support ang family ni Richard headed by Dad Eddie at Mom Annabelle Rama, sister Ruffa with daughters Lorin and Venice, Chard’s twin Raymond, naroon din ang ibang talents ni Annabelle. 

Kasama naman ni Marian ang kanyang mama, lola, at mga auntie, at ang presidente ng kanyang management na Triple A, si Rams David. Present din ang iba pang Kapuso stars, sina Barbie Forteza, Joyce Ching, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, at iba pa. Bago pa dumating si Marian sa venue, dumating na ang napakaganda at malaking bouquet of flowers from boyfriend Dingdong Dantes na nasa Baguio City at nagti-taping ng bagong serye nitong Genesis.

Mababait ang mga tagahanga nina Richard at Marian dahil hindi sila tulad ng ibang fans na walang tigil ang tilian kahit wala namang dapat tilian kaya naintindihan namin ang nakatutuwang romcom story ng pag-iibigan nina Evelyn (Marian) at Zach (Richard), lalo na iyong mga nakakakilig na eksena ng dalawa.

 Tiyak na magugulat ang mga tagahanga na manonood simula bukas, July 3, in cinemas nationwide, dahil sa mga ipinakita ng dalawang bida na first time nilang ginawa. Ayaw naming i-preempt, tulad nang ginawa ng admin ng Twitter account ng GMA Network, Inc. na blow by blow ay itinu-tweet ang mga nagaganap na eksena kaya react to death ang fans na tumigil sila sa pagbibigay ng updates. Hindi raw TV show ang My Lady Boss kaya hindi dapat ikuwento ang story.

BAGUIO CITY BARBIE FORTEZA BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO BENJIE PARAS DAD EDDIE DERRICK MONASTERIO DINGDONG DANTES MY LADY BOSS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with