_pang-masa
^

Mother Lily pahinga na sa Shake… pero may sosyo sa Pagpag

YSTAR - Baby E (Pang-masa) - June 19, 2013 - 12:00am

Kasosyo pala ng Skylight Films ang Regal Entertainment, Inc. sa kanilang entry na Pagpag in this year’s Metro Manila Film Festival (MMFF).

Mismong si Mother Lily Monteverde ang nagbalita nito sa amin. Obvious na this year ay pinapahinga muna ni Mother Lily ang pagpapalabas, tulad ng dati, ng kanilang tinaguriang yearly installment ng kanilang franchise, the fearful Shake, Rattle & Roll.

Totoo kayang last year, Shake…, which was in its 14th installment, grossed only P40M something?

Pagpag will mark the first indie film ng most lova­ble tandem of the hour, sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. They were first seen together as a love team in Must Be Love.

Pagpag will be directed by Frasco Mortiz.

Contract ni Richard sa GMA expired na, may importanteng announcement?

From Mother Lily Monteverde, too we, also learned na tuloy na ang showing ng pelikula niyang My Lady Boss starring Richard Gutierrez at Marian Rivera on July 3. Co-produced naman ito ng Regal with GMA Films.

In town na raw si Richard from Switzerland to vi­sit his lady love, Sarah Lahbati, former Kapuso star.

Well, kapag nagkataon, from no less than Richard himself na natin malalaman kung nanganak nga si Sarah o hindi. Kailangan pa bang sabihin kung sino ang ama ng bata?

Samantala, how true na ang balak ni Richard, now that his contract with GMA 7 has expired, is to take time to study filmmaking abroad?

AiAi bakasyon sa filmfest

Magbabakasyon din daw muna si AiAi delas Alas sa ibang bansa rin.

Ito kaya ang dahilan why wala siyang filmfest entry this year?

In the last two filmfests, parehong tinanghal na top grosser ang dalawang pelikulang pinangungunahan niya, ang Tanging Ina, Enteng ng Ina Mo with Vic Sotto in 2011, and Sisterakas with Kris Aquino and Vice Ganda in 2012.

Coney nabitin sa mga kasamahan sa Four Sisters…

Hindi man daw gaanong mahaba ang role ng veteran actress-TV host na si Coney Reyes bilang ina ng limang magkakapatid, ginagampanan nina Toni Gonzaga, Bea Alonzo, Shaina Magdayao, Enchong Dee, at Angel Locsin, sa Four Sisters and a Wedding, naging sapat na iyon para maging close siya sa lahat.

“Paano nga, they are all so lovable kaya ’di puwedeng ’di kaagad mahulog ang loob mo sa kanila.

“In the movie, they may have their individual traits as called for in the script of the role na kanilang ginagampanan. Pero bilang ina sa tunay na buhay these are traits na bawat parent will see in their children.

“Ang wish ko nga, sana mas mahaba ang role ko so I could have bonded with them longer. Suffice to say na this is one movie which will remain etched in my memory for a long time,” Coney said.

Isang ina at asawa rin ang part na ginagampanan ni Coney sa kanyang bagong soap, Huwag Ka Lang Mawawala, comeback series ng tinaguriang Reyna ng Teleserye, si Judy Ann Santos.

Pumapapel bilang asawa niya si Tirso Cruz III. Nag-iisang anak naman nila si Sam Milby, na lumaking violent man.

“Hindi naman krimen na i-spoil ang bata. Pero dapat sa murang edad pa lamang. Alam na niya (ng anak) kung ano ang mabuti at masama. At ito’y depende kung paano siya pinalaki ng kanyang mga magulang. Ang kanyang ina, lalo na,” pahayag ni Coney.

 

ANGEL LOCSIN BEA ALONZO CONEY REYES DANIEL PADILLA ENCHONG DEE FOUR SISTERS FRASCO MORTIZ FROM MOTHER LILY MONTEVERDE PAGPAG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with