Parang si Sharon Helen bonggang mamigay ng alahas

MANILA, Philippines -  Naku, paeklay na maiinggit na naman ang female hosts ng Eat Bulaga dahil si Helen Gamboa ang special guest ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang The Ryzza Mae Show ngayon. Taped na ang guesting ni Tita Helen dahil sa kitchen niya kinunan ang gagawin ng bagets.

Eh nung nakaraang birthday ni Ryzza, niregaluhan ng alahas ni Tita Helen ang Aleng Maliit. Nanglaki siyempre ang mga mata nang nag-hosts ng show na sina Ruby Rodriguez at Pauleen Luna, huh!

Kilala rin kasi nila ang pagiging galante ng tita ni Sharon Cuneta. Minsan nga, may nagkagusto sa suot niyang alahas. Nagsabi lang siya na gagamitin lang muna niya ang alahas at ibibigay sa kanya.

Naloka ang bumati sa alahas dahil the next day ay inihahatid sa kanya ni Tita Helen ang nagustuhan niyang alahas!

 

Show comments