Nakakailang biro si Maxene Magalona kay Raymond Bagatsing na pareho lang daw silang professional na kung anuman ang damdaming umiiral sa kanila ay isinasantabi nila. Eh kasi noon pala ay mag-ama ang role nila sa isang GMA TV series pero ngayon ay mag-lover na sila sa pinakabagong panoorin, ang Mga Basang Sisiw.
Si Maxene for the first time ay bad girl sa Mga Basang Sisiw, napakamaldita ng dating niya lalo na kapag nandidilat ang mga mata kaya napapaiyak niya ang mga child star, ang mga binansagang “mga bituin ng kinabukasan†na sina Hershey Garcia, Renz Valerio, Kimberly Faye, Bianca Umali, at Miko Zarsadias.
Grabe ang mga bagets dito, ang gagaling nila. Madaling bumagsak ang luha lalo na kung pinipingot na ni Maxene ang kanilang mga tenga.
Samantala, masayang-masaya si Raymond dahil sapul ng magbalik siya sa bansa pagkatapos ng ilang taon sa Amerika ay hindi na siya nawawalan ng project sa telebisyon courtesy of GMA kaya for good na siya sa pamamalagi rito sa Pilipinas.
Dahil sa naging abala si Rama (palayaw niya) dito sa Pilipinas ay umalis na lang ang kinakasamang girlfriend niyang si Vanessa at nagbalik sa US. Happy na rin si Rama dahil may boyfriend na raw ang ex-GF ngayon.
Ngayon ay abalang-abala lalo si Rama sa Mga Basang Sisiw bilang leading man ni Maxene.
Mike takot sa nanay ni Maxene
How true na super excited si Mike Tan na siya ang choice na leading man ni Maxene Magalona sa Mga Basang Sisiw? Matagal na raw kasing may paghanga si Mike kay Maxene pero hindi siya magkaroon ng lakas ng loob dahil takot siya sa nanay ng aktres na si Pia Magalona.
Alex Medina nakuha ang galing nina Pen at Ping
Ang galing-galing na artista ni Alex Medina bilang Diego sa TV series na Ina, Kapatid, Anak ng ABS-CBN. Mabagal magsalita na parang nag-iisip kung ano ang sasabihin pero ang mga mata niya ang laging kumikilos.
Panalo ang acting forte niya. Katulad ng kanyang brother na si Ping at amang si Pen Medina.