Ngayon lang naglalabasan: AiAi muntik malagutan ng hininga nang tapalan ng unan ni Jed sa mukha

ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - May 31, 2013 - 12:00am

Nagsampa ng kasong sibil ang komedyanteng si AiAi delas Alas laban sa kanyang hiniwalayang asawang si Jed Salang. Violence against women ang kasong isinampa niya at humihingi siya ng Temporary Protection Order, tuloy Permanent Protection Order na rin na magbabawal sa kanyang dating asawa na lumapit sa kanya nang mas malapit sa isandaang metro. Sinabi ni AiAi na natatakot siyang ulitin pa ni Jed ang ginagawang pananakit sa kanya.

Hiniling din ng komedyante sa korte na magpalabas ng isang gag order na magbabawal kay Jed na magsalita pa tungkol sa kanilang naging relasyon sa media at sa kanino man.

 Tiyak na ang kasunod niyan ay pagpapawalang bisa ng kanilang kasal na sa tingin naman namin ay hindi na kailangan kasi nga out of jurisdiction naman ang kasalang iyon.

Marami ring lumabas na mga nakakagulat na detalye sa reklamo ni AiAi. Lumalabas na si Jed pala ay binibigyan niya ng sustentong P40,000 buwan-buwan simula nang magsama sila. Bukod pa iyon sa mga binibili na mga mamahaling sapatos, bag, at kung anu-ano pa na hindi lamang gamit niya kundi ibinibigay din sa mga kaanak niya at sa kanyang isa pang girlfriend.

Lumabas na rin ang katotohanan na noong unang mapag-usapan ang pre-nuptial agreement, para walang pakialam si Jed sa anumang property na nabili na ni AiAi o bibilhin pa on her own habang sila ay nagsasama, tumanggi ang lalaki sa kasunduan. Mangangahulugan kasi iyon na wala siyang hold sa anumang kayamanan mayroon ang aktres.

 Ngayon sinasabi ni AiAi na humingi na siya ng proteksiyon sa kanilang barangay at humihingi nga siya ng protection order mula sa korte dahil natatakot siyang sugurin sa kanyang bahay ng asawa at muling saktan.

Naikuwento na rin niya na kinagabihan matapos ang kanilang kasal sa halip na isang honeymoon ay nagtalo sila at nauwi sa pagpapasak ng unan ni Jed sa kanyang mukha kaya hindi siya nakahinga. Pero naitulak daw niya iyon at nagtangka nang tumakas pero sinabi ni Jed na sasaksakin niya ang kanyang sarili at tatalon sa bintana ng hotel oras na ginawa iyon ni AiAi.

Talaga palang magulo na sila. Dapat lang talagang maghiwalay na sila at sa lumalabas ngayon ay maliwanag na ang motibo ni Jed sa pagpapakasal niya kay AiAi.

Vice Ganda tablado kay Jessica Soho

Gusto raw humingi ng dispensa mismo ni Vice Ganda kay Jessica Soho dahil sa mga sinabi niyang hindi maganda tungkol sa inirerespetong broadcaster. Si Jessica ay inirerespeto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Nakatanggap na siya ng Peabody Awards noong 1999 at napili rin sa British Fleet Journalism Awards noong 1998. Kamakailan lamang nakatanggap siya ng award bilang most credible news presenter mula sa Readers’ Digest. Isipin ninyo ang mga karangalang iyon ’tapos mababastos lamang siya ng isang komedyante sa isang concert?

Hindi raw kinausap ni Jessica si Vice Ganda na tumawag sa kanya sa telepono. Siguro, kami man ang nasa puwesto ni Jessica, ganoon din ang gagawin namin. Subukan pa niyang makipagharap ng personal kung hindi namin siya ipahabol sa aso.

Minsan pipiliin naman sana ang mga taong babastusin. Nauna kay Jessica, ginanyan din niya si Nancy Binay, paano kung balikan din siya ng senadora? At ni hindi siya nag-apologize man lang.

 

AIAI BRITISH FLEET JOURNALISM AWARDS JED JED SALANG JESSICA JESSICA SOHO NIYA SIYA VICE GANDA
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with