Kaya nagising sa katotohanan AiAi naalog ang utak nang ihagis sa kama ni Jed

Nakalulungkot ’yung nangyari kay AiAi delas Alas. Tuwang-tuwa pa naman ako sa kanya dahil natagpuan na niya ang lalaking magiging gabay niya sa kanyang pagtanda na siyang magpapasaya sa kanya, na makakasalo niya sana sa kanyang kaligayahan. Sayang kung gaano kabilis at ganda ng kanilang pagkilala at pagsasama na humantong pa sa kasalang mabilis ding naisagawa sa ibang bansa, heto at sa isang iglap lang ay hiwalay na ang Tanging Ina sa lalaking mahal siya kuno.

Sabi ni AiAi, hindi pala niya kilala nang malalim ang pinakasalan kaya na-shock siya sa ginawang pananakit sa kanya ng pisikal at emosyonal.

Pasalamatan mo pa rin si Lord Jesus, AiAi. Ipagpasalamat mo ’yung pananakit sa iyo kasi dahil sa nangyari na ’di mo nakayanan, sa tindi ng paghagis siguro sa iyo sa kama, ayan at naaalog ang utak mo at natauhan ka.

Praise the Lord! At least, gising ka na!

TV5 inaayos na ang bagong oras ng Ang Latest

Inaayos na ng TV5 ang kanilang programang Ang Latest na mas maging earlier ang kanilang time slot araw-araw.

Sa mga tinatanggap nilang comment at mga text message, gusto ng mga manonood na mas maaga kahit one hour ahead lang sa kasalukuyang oras ngayon. Ang daming home viewers na humahabol sa latest showbiz news at blind items.

Ayon sa mga producer at ni Direk GB San Pedro, inuupuan na nila ang gagawing pagbabago ng oras ng show na hino-host nina Cristy Fermin, Lucy Torres-Gomez, Amy Perez, Mr. Fu, Divine Lee, Shalala, at Direk Joey Reyes.

Show comments