Angel dikit ang laban kina Bea, Jodi, at Anne sa FAMAS

Ngayong Linggo ang pagdiriwang ng 61st FAMAS Gabi ng Parangal sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo, Quezon City sa pamumuno ng pangulong si Eloy Padua at mapapanood sa Channel 7 sa pamamagitan ng Airtime Marketing Philippines.

Kapana-panabik ang labanan sa best actress category kung saan maglalaban sina Angel Locsin (One More Try), Bea Alonzo (The Mistress), Anne Curtis (A Secret Affair), at Jodi Sta. Maria (Migrante).

Maraming nagsasabi na magagaling ang lahat ng ito at kung sinuman ang manalo sa kanila ay deserving sa naturang award.

Speaking of Angel wala na yata itong mahihiling pagdating sa kanyang love life. Strong pa rin ang relationship nila ng boyfriend na si Phil Younghusband at very vocal sa pagsasabi na kung may babae siyang nais pakasalan at makasama habambuhay ito ay si Angel.

Habang tumatagal ay lalo nilang minamahal ang isa’t isa dahil naroon ang respeto, pang-unawa, at tapat na pag-ibig ng bawat isa.

Kung si Phil ang masusunod, gusto na niyang iharap sa dambana si Angel kaya lang nasa planning stage pa lang sila at ’di pa naman nagmamadali. Proud ang football player sa achievement ng girlfriend sa kanyang career.

Ngayong Mayo iseselebreyt ng dalawa ang kanilang first year anniversary officially bilang magkarelasyon.

Ara at Angelu may selosan

Naging masaya ang pagpasok ni Ara Mina sa Teen Gen bilang dating karelasyon ni Wacks o Bobby Andrews na pinagmumulan ng selosan sa pagitan nila ni Peachy o Angelu de Leon.

Sinabihan na ni Wacks na tapos na ang relasyon nila ni Violet o Ara kaya nagpaalam na ito. Pinagtataguan naman ni Peachy si Wacks pero sinusuyo naman siya. May bulutong pala si Peachy kaya nagtatago pero firm si Wacks sa desisyong suyuin itong muli.

Problema naman ang sinapit ni Angge (Thea Tolentino) dahil ang kanyang Mommy D (Isabel Granada) ay napeke ng agency kaya ’di na matutuloy sa pagtatrabaho sa South Korea.

May following na ang Teen Gen na ipinapalabas sa GMA 7 at mataas ang rating sa kasalukuyan.

 

Show comments