P-Noy dadalaw sa balwarte ng ex na si Barbara

MANILA, Philippines - Sa Team P-Noy, nakasama ang dating aktres na si Barbara Milano sa kanyang muling pagtakbo bilang konsehala sa Talavera, Nueva Ecija.

Makilala pa kaya ni President Noynoy Aquino si Barang kung magkakasalubong sila sa entablado kapag nagkampanya ang Team P-Noy sa Nueva Ecija? Alam naman natin ang kanilang nakaraan.

Ronnie dinudurog ang mga pirata

Balik-pelikula ang producer-action star na si Ronnie Ricketts sa The Fighting Chefs katambal si Arci Muñoz. Si Arci ang bagong “tsikas” ni Willie Revillame sa Wowowillie.

Nasugpo naman ni Ronnie ang mga namimirata gamit ang disc copies na VCD, DVD, at Blu Ray. Halos pinirata na nila ang buong mundo ng pelikula. Nauuna pa silang magbenta sa bangketa ng pinekeng kopya ng pelikula na halos kapapalabas pa lang.

Dinudurog naman ng chairman ng Optical Media Board (OMB) na si Ronnie ang mga nahuhuling nagtitinda nito. Ginagawa nilang tila bonfire kapag nakakumpiska ng ga-bundok na kopya. Sinusunog lahat. Pero tanong namin, may magtangka kayang mamirata ng The Fighting Chefs kapag ipinalabas na sa March 6?

Vilma at Nora magsasalpukanhanggang sa indie

Sa wakas, mas magiging mainit at kontrobersiyal ang indie film industry ngayong magkakalaban na naman sina Gov. Vilma Santos at Nora Aunor.

Sa indie film kasi magugulat na lang kapag nabasa sa peryodiko na may ganun palang pelikulang ipalalabas. Walang malaking komersiyal o publicity. Barya-barya lang kasi ang bayad sa indie movie hindi tulad sa mga giant producer na bultuhan ang perang pinapakawalan.                

 

Show comments