^

Pang Movies

Pops malaki ang kita sa Foursome!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May repeat ang Foursome concert nina Ogie Alcasid, Martin Nievera, Pops Fernandez, at Regine Velasquez, due to insistent public demand.

Sold out ang tickets ng Valentine concert ng apat at marami pa ang hindi nakakapanood kaya nag-decide agad ang producer na si Ana Puno na magkaroon ng repeat.

Ang sabi ni Ogie sa akin, hindi pa rin sila co-producer ng repeat na magaganap sa March 15. Ang suwerte-suwerte ni Pops dahil sa apat na performers, siya lang ang co-producer ni Ana sa Foursome.

At dahil bumenta nang husto ang concert, dapat magpatawag si Ana ng thanksgiving party o thanksgiving presscon para maniwala ako na talagang hit na hit ang Foursome.

Wagas na pag-ibig!

Nakakaiyak ang featured story ng 24 Oras noong Va­lentine’s Day tungkol sa babae na pinakasalan ng kanyang boyfriend, kahit Stage 4 na ang ovarian cancer niya.

Tumulo ang luha ko habang pinapanood ang kuwento ni Julius Serrano at ng kanyang girlfriend na si Jennifer na naka-confine sa Manila Sanitarium & Hospital.

Cameraman si Julius sa GMA 7 at researcher ng Unang Hirit si Jennifer. Noong nililigawan siya ni Julius, sinabi ni Jennifer na huwag nang ipagpatuloy ang panliligaw dahil sa kanyang karamdaman. Hindi sila puwedeng magkaroon ng anak dahil may kanser siya sa ovary.

Hindi na-discourage si Julius kaya nagkaroon sila ni Jennifer ng relasyon. Very touching ang eksena ng pagpapakasal ng dalawa noong Valentine’s Day habang umiiyak ang kanilang mga wedding sponsor na sina Suzi Entrata at Susan Enriquez.

Wala nang buhok si Jennifer dahil sa chemotherapy pero gumamit siya ng wig sa araw ng kasal nila ni Julius. Si Re­gine Tolentino naman ang gumawa ng kanyang wedding gown at ginanap ang reception sa canteen ng ospital.

Gumawa ako ng paraan na mahanap at makausap si Julius. Si Arnold Clavio ang isa sa mga napagtanungan ko at siya ang nagbigay sa akin ng contact number ni Julius na na­­ka­usap ko kahapon habang nasa presscon ako ng OPM (Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit).

Tinanong ko si Julius kung puwedeng dumaan siya nga­yon sa studio ng Startalk. Hindi ang kanyang sagot dahil binabantayan niya sa ospital si Jennifer.

Sinabi ko kay Julius na ibibigay ko na lang kay Lhar Santia­go ang wedding gift ko para sa kanila ni Jen­­ni­fer. Hindi ko personal na kilala ang dala­wa pero maluwag na maluwag sa kalooban ko na big­­­yan sila ng wedding present dahil sa kanilang touching at inspiring love story.

Ang pagmamahal ni Julius kay Jennifer ang klase ng tunay at wagas na pag-ibig. Naniniwala ako sa mga himala kaya sa tulong ni God, puwedeng gumaling si Jennifer, kahit Stage 4, na ang kanyang sakit.

Ikinuwento rin sa akin ni Lhar na masipag si Julius. Nagtrabaho pa siya sa bisperas at mismong araw ng kanyang kasal.

Kabilang si Lhar sa mga wedding sponsor kaya alam na alam niya ang love story nina Julius at Jennifer na puwedeng isadula ng Magpakailanman dahil talagang kapupulutan ng aral.

vuukle comment

ANA PUNO

DAHIL

JENNIFER

JULIUS

JULIUS SERRANO

KANYANG

LHAR

MANILA SANITARIUM

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with