PM ligtas na ligtas na sa 7-year itch

Happy 10th anniversary sa ating favorite  tabloid, ang PM!  Malaki ang utang na loob ko sa PM at siyempre, kay Papa Miguel Belmonte dahil nang magsimula ang PM, 10-years ago, rito ako unang nagsulat bago ako binigyan ng another column sa PSN. Idea ni Papa Miguel na bigyan ako ng column sa PM at PSN.

Ang 10th Anniversary ng PM ang magpapatunay na subok na matibay, subok na matatag ang tabloid na nagbibigay ng kumpletong impormasyon at kasiyahan sa lahat. May mga kakilala ako na hindi kumpleto ang araw nila kung hindi sila makakapagbasa ng PM, ang diyaryo na pang-masa at tunay na maka-Pilipino!

Matagal nang nalampasan ng PM ang 7-year itch. Malayung-malayo ang PM sa mga showbiz couple na hindi umabot ng pitong taon ang pagsasama dahil nabuwag na ang kanilang relasyon.

Hindi ang PM dahil habang tumatagal, lalong tumitibay ang relasyon ng ating favorite tabloid sa readers.

Kasama sina Pops Fernandez at Martin Nievera sa mga showbiz couple na hindi nalampasan ang 7-year itch. Ang maganda lang, naging magkaibigan sila pagkatapos ng pagpapalitan noon ng mga maaanghang na salita. Hindi puwedeng forever enemies ang dalawa dahil may mga anak sila.

Believable na friends na talaga sina Pops at Martin dahil maraming beses na silang nagkasama sa mga concert. Mapapanood uli ang ex-couple sa Foursome, ang Valentine concert nila with another showbiz couple na mukhang maliligtasan ang 7-year itch, sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez. 

Dahil wala pang dumi, Meg pinag-iinteresan

Nagkaroon ng interes ang mga mhin kay Meg Imperial nang malaman nila na virgin pa ang star ng Menor De Edad ng Viva Films.

Hindi makapaniwala ang mga mhin na may mga artista na kagaya ni Meg na nagpapaseksi sa pelikula pero wala pang karanasan sa kamunduhan.

Huwag tayong magugulat kung mababalitaan natin na may mga aktor na balak na ligawan si Meg dahil sa pag-amin nito na walang bahid dumi ang kanyang puri.

Sila ang mga aktor na type na maging first experience ni Meg na 20-years old na si January 20 pero mukhang menor de edad dahil batambata ang kanyang itsura.

Wendell mapalad, nakahalik sa Virgin

Si Wendell Ramos ang mapalad na mhin na unang nakahalik kay Meg sa big screen. Si Wendell ang love interest ni Meg sa Menor De Edad.

Nang kunan ang kanilang love scene, na-prove ni Wendell na walang alam sa kamunduhan ang kanyang leading lady. Dapat magpasalamat si Meg kay Wendell at sa Menor De Edad director na si Joel Lamangan dahil naging matiyaga ang dalawa sa pagtuturo sa kanya ng mga dapat gawin sa love scene niya sa pelikula.

Huhusgahan si Meg sa January 23, ang playdate sa mga sinehan ng Menor De Edad. Ang maging blockbuster ang kanyang launching film ang 20th birthday wish ni Meg.

 

 

 

Show comments