Sen. Bong, target ang kita sa box office
YSTAR - Baby E (Pang-masa) - December 25, 2012 - 12:00am

Okay na kay Sen. Bong Revilla, Jr.  na nabigyan ng rating na B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang kanilang Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na Si Agimat, si Enteng at si Ako, nina Vic Sotto at Judy Ann Santos. For that somehow means na talagang maganda ang ginawa nila. Tony Reyes directed the film and Bong’s Imus Productions co-produced it with M-Zet, APT Entertainment, OctoArts Films, at GMA Films.

Actually, ipinagmalaki talaga ng senador-aktor ang pelikulang ito. He makes sure raw kasi na every entry niya yearly in the MMFF is something na bago and a big improvement from the previous one.

“I think I owe it to the public that I give them the best na panoorin always. For whatever I am now and my family as well, I owe it to them,” sabi ni Sen. Bong.

His team up with Vic in Si Agimat, si Enteng at si Ako is the fullfilment of an agreement they made to each other when they first worked in Si Agimat at si Enteng, two years ago. And that was that year’s top grosser.

Will history repeat itself?

“Considering na magaganda rin ang ibang entries, well, I’m hoping for the best.

“And I have every reason, too, to think that we will be a top grosser kasi aside from me and Pareng Vic, nasa pelikula pa si Judy Ann,” pahayag ni Sen. Bong.

Jake feel pang bumili ng mamahaling sasakyan kahit may dalawa na

Walang dudang naging super busy si Jake Cuenca nitong matatapos na taon. Bukod sa nakagawa siya ng Guni-Guni, with Lovi Poe, nakadalawa rin siyang teleserye, ang Kung Ako’y Iiwan Mo, co-starring him for the first time with Shaina Magdayao and Bangs Garcia, at ang  ongoing na Kapag Puso’y Sinugatan where his co-stars naman are Gabby Concepcion, Iza Calzado, at Andie Eigenmann. Kaya naman he has to, kumbaga sa baterya, recharge.

No wonder, he is taking advantage of the holidays para makapagpahinga. Baka by the time this issue comes out, Jake might have left for Bali, Indonesia.

It was daw Gloria Diaz, while they were doing Kung Ako’y Iiwan Mo, who suggested na kung may balak siyang magbakasyon ng kahit ilang araw lang ay sa Bali siya tumungo.

Napakaganda raw ng lugar, Gloria told him.

Coupled with this what he considers bakasyon grande, he also wants to buy himself a new car. Already, he said, he has a Wrangler jeep and a Chevrolet Suburban.

Willie nagbabalak pang magdagdag ng babae!

Pahinga rin ang gift ni Willie Revillame sa sarili ngayong holidays. Yes, bago raw siya bumalik muli sa bago niyang bihis na program, na bagama’t may similar format ng WilTime Big Time, ay magkakaroon ng ilang pagbabago. Definitely, too, the show will sport a new title.

Welcome raw kay Willie ang desisyon ng TV5 to have his show shown at noontime. Hindi na from 6:00-9:00 p.m.

Maliban sa mga dating co-host niyang sina Mariel Rodriguez, Camille Villar, at ang bagong pasok na si Grace Lee, baka magdagdag pa raw ng mga bagong co-host na babae si Willie.

Hoy, abangan daw natin, Salve A., ang mga bagong pasabog ni Willie sa kanyang bagong show. It will involve bigger prizes in cash and in kind for the contestants. Pati na sa viewers at home at siyempre sa audience.

 Merry Christmas sa ating lahat!

ANDIE EIGENMANN BIG TIME BONG REVILLA CAMILLE VILLAR CHEVROLET SUBURBAN CINEMA EVALUATION BOARD ENTENG IIWAN MO KUNG AKO SI AGIMAT
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with