^

Punto Mo

Lalaki sa Japan, inaresto matapos itapon sa recyclable waste ang bungo ng kanyang bunsong kapatid!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAGULAT ang mga trabahador ng isang recycling plant sa Adachi, Tokyo nang makakita sila ng bungo ng tao mula sa mga basurang sine-segregate nila noong Hunyo 21, 2022.

Agad na ipinagbigay-alam ng recycling plant sa mga awtoridad ang natagpuang bungo at isinailalim ito sa pagsusuri upang malaman ang pagkakakilanlan.

Sa tulong ng dental records, napag-alaman na ang bungo ay pagmamay-ari ng 67-anyos na si Hideo Murai na nakatira sa Kita, Tokyo. Napagtibay pa lalo ang identity nito sa tulong ng ATM card na nakapangalan kay Hideo Murai na kasamang natagpuan sa plastic bag kung saan nakabalot ang bungo.

Naglunsad nang malawakang imbestigasyon ang ­Tokyo Metropolitan Police at base sa nakalap nilang mga impormasyon, ang kapatid ni Hideo Murai na si Shoichi Murai ang nagtapon ng bungo. Inaresto si Shoichi sa kasong illegal disposal of human remains.

Itinanggi ni Shoichi Murai ang kasong isinampa sa kanya at ipinaliwanag niya na hindi niya alam na patay na ang kanyang kapatid na si Hideo at akala niya ay hindi totoo ang bungo at isa lamang itong replica. Nililinis niya ang kanilang bahay dahil ibebenta na niya ito at hindi akalain na totoong bungo ng nakababatang kapatid ang natagpuan niya.

Parehas single at naninirahan ang magkapatid na Shoichi at Hideo sa isang bahay sa Kita, Tokyo. Nakatira si Shoichi sa first floor at si Hideo sa ­second floor. Ayon kay Shoichi, 2017 pa niya huling nakita si Hideo matapos magpaalam sa kanya na mamamasyal ito.

Sa pag-iimbestiga ng mga pulis sa bahay ng magkapatid, natagpuan ang kalansay ni Hideo sa kuwarto nito. Walang nakitang foulplay sa autopsy ng kalansay ni Hideo at tumugma na 2017 ang taon ng kamatayan nito.

Ikinagimbal ng mga Japanese netizens ang balitang ito at isa sa haka-haka ng karamihan ay maaaring namatay sa natural causes si Hideo ngunit itinago ito ni Shoichi upang patuloy ang pagdating ng pensiyon nito.

 Hanggang sa kasaluku­yan, hindi pa rin pinapawalang sala si Shoichi at patuloy ang imbestigasyon sa kanyang kaso.

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with