^

Punto Mo

Ginger (76)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

‘‘SALAMAT Anton,’’ sabi ng mama ni Ginger habang pin­a­pahid ang luha.

‘‘Hindi nga po namin malaman ni Ginger ang gagawin kung paano ipagtatapat sa iyp ang nangyari sa papa niya. Iyak po nang iyak si Ginger at pati ako problemado na rin. Mabuti po at natanggap mo nang maluwag ang nangyari.’’

‘‘Oo. Sabi ko sa sarili ko, dapat maging matatag ako. Kasi nang isugod sa ospital kaninang umaga ang mister ko, malakas ang kutob na hindi na kami magkikita. Tama ang kutob ko. Kaya naghanda na ako sa mga susunod pa.’’

Napatango si Anton. Humanga siya sa mama ni Ginger. Nabawasan ang pag-alala niya dahil sa ipinakita nito. Ayon kay Ginger, maysakit ito sa puso.

Maya-maya ay nagpaalam na papasok sa silid ang matanda.

Naiwan sila ni Ginger sa salas.

Tahimik si Ginger. Halatang walang sigla.

Pinisil ni Anton ang palad ng dalaga. Walang reaksiyon.

Inunawa ni Anton ang nobya.

Sa panahon ng burol at maski ilibing ang papa ni Ginger ay hindi umalis si Anton. Nakabantay siya kay Ginger.

Makalipas ang isang linggo pagkaraang ilibing ang papa ni Ginger ay hindi pa rin pumapasok si Ginger sa opis.

Problemado si Anton. Hindi pa natatanggap ni Ginger ang nangyari sa papa nito.

Ang problema ni Ginger ay problema rin niya.

(Itutuloy)

vuukle comment

GINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with