^

Punto Mo

Listahan ng 4Ps, pinalilinis ni BBM

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mahigpit ang kautusan ni President Ferdinand Marcos Jr. kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo.

Ito ay ang linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng special assistance programs ng pamahalaan o mas kilala nga bilang Pantawid Pamilyang Pilipino Programs o 4Ps.

Marami na kasi ang sinasabing ‘graduate’ na sa naturang conditional cash transfer (CCT) pero ayun, ayaw isurender ang account at patuloy na nakikinabang sa ayuda.

Baka nga ang ilan eh may trabaho na pero patuloy na tumatanggap ng cash grants.

Habang marami naman ang  talagang nangangailangan pero hindi kasama sa listahan.

Isa pa nga sa kailangang mabigyan nang pansin dyan, eh kung talaga bang kuwalipikado ang mga nabibigyan nito.

May mga sumbong din tungkol dyan, marami ang kasama sa ‘biyaya’ pero hindi naman talaga ‘walang-wala’ o kung nangangailangan nga, pero nagagamit ba ang nakukuha sa tama.

May ilan lang naman na napansin, kapag nakuha na ang pera sa 4Ps, diretso na sa ‘toma’ o ‘tongits’ ang iba. Ginagamit lang pala sa bisyo na ito ay dapat ding masubaybayan at mamonitor ng mga kinauukulan.

‘Yung itinutulong sa kanila ay para sa ikabubuti ng pamilya, hindi ‘yung kung baga ginawa na lang gatasan ang gobyerno.

May pagkakataon din naman na doon na lang umaasa, hindi na naghahanap ng trabaho na makakatulong sa kanila.

Pensionado ng pamahalaan kahit hindi na pasok sa layunin ng programa.

Eto pa ang isa sa dapat masilip dyan, kasamang Erwin may mga sumbong na kung sino lang umano ang malakas kay barangay captain o iba pang brgy, officials eh siyang kadalasan kasama sa listahan ng nakikinabang.

Karamihan pa nga raw kaanak at kanilang mga kaibigan.

Ngayon, aba’y tapos na ang maliligayang araw ng ilan nagsamantala sa programa.

Ang 4Ps ay ang pagkakaloob ng pamahalaan ng conditional cash grants sa mga itinuturing na ‘poorest of the poor’. Ito ay para matugunan ang pangangailangan ng mga anak na para makapasok sa paaralan.

Maganda ang layunin, ‘wag naman sanang samantalahin at abusuhin.

 

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with