^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagharap sa mga mabibigat na hamon

Pang-masa
EDITORYAL - Pagharap sa mga mabibigat na hamon

SA talumpati ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Huwebes makaraang manumpa, hiniling niya ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Pili­pino para makamit ang tagumpay. Sabi niya ang pangarap daw ng mamamayan ay pangarap din niya. Handa raw siyang harapin ang mga hamon sa panunungkulan. Narito raw siya para maglingkod.

Hindi biro ang mga haharapin ni Marcos ngayong siya na ang nakaupo. Eksakto sa kanyang pag-upo ang patuloy na pagtaas ng mga bilihin, pagtaas ng pasahe at ang hindi mapigilang oil price increase na nagsimula pa noong Enero at lumubha nang salakayin ng Russia ang Ukraine.

Patuloy ang pagbagsak ng piso laban sa dollar. Sa kasalukuyan, P55 na bawat $1. Ang pagbaba ng halaga ng piso ay nag-uugat din sa pagtaas ng presyo ng langis.

Malaking hamon din kay Marcos ang pandemya na sa kasalukuyan ay hindi pa tuluyang humuhupa. May mga tinatamaan pa rin ng COVID-19 at ayon sa health expert, posibleng tumaas ang kaso ngayong buwan na ito. May pagtaas nang naitala sa Metro Manila at iba pang lugar.

Mabigat na hamon din kay Marcos ang patuloy na pambu-bully ng China sa West Philippine Sea (WPS). Kamakailan lang, sinundan na naman ng China Coast Guard (CCG) ang sasakyang bangka ng mga Pinoy na maghahatid ng supply sa mga sundalong naka-stationed sa BRP Sierra Madre na nakasadsad sa Ayungin Shoal. Paulit-ulit itong ginagawa ng China sa kabila na teritoryo ng Pilipinas ang Ayungin na napagwagian sa arbitrary ruling noong 2016. Sinabi naman kamakailan ni Marcos na hindi siya papayag na makatapak ang sinuman sa anumang pag-aari ng Pilipnas. Ipaglalaban umano niya ang soberanya ng bansa.

Marami pang kinakaharap na mabibigat na hamon si Marcos. Pero gaya ng sabi niya sa talumpati, naka­handa siya at kakayanin niya ang mga hamon. Kapag nagawa at napagtagumpayan niya ang mga hamon na ito, mawawala ang alinlangan.

 

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with