^

Punto Mo

Pagsunod ng publiko sa health protocols bumaba ng 21%

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Ayan na nga at inihahanda na ng Department of Health (DOH) ang healthcare system sa bansa kasunod nang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Kabilang sa pinaghahanda ay ang mga pagamutan sakaling dumaming muli ang maoospital dahil sa COVID.

Gayunman sa kasalukuyan naman kasi nananatiling mababa ang paggamit sa mga ospital beds dahil sa ang naitatalang mga kaso o yaong nagpopositibo sa COVID ay mild hanggang moderate lang ang sintomas.

Base sa datos ng DOH, nasa 17.7 porsiyento ang bed utilization sa buong bansa o 5,270 sa 29,701 kama pa lamang ang okupado.

Bukod sa mga pagamutan, pinaghahanda na rin ng DOH ang mga local governments unit sakaling tumaas ang  nahahawaan ng virus.

Kasi nga para nang nagkakalimutan, ang publiko naging kampante at nakalimutan na nandyan pa rin ang COVID at hindi pa tuluyang nawawala.

Ang tila nawawala ay ang pagsunod ng marami sa pinaiiral na health protocols.

Katunayan yan,  ayon sa DOH ay bumaba ng nasa 21 porsiyento ang pagsunod ng publiko sa panuntunan sa health protocols.

Eto pa ang Metro Manila na ngayon ang nangunguna sa listahan ng mga rehiyon na may pinakamaraming kaso ng COVID-19, ayon naman yan sa OCTA.

Kapansin-pansin na rin kasi, na tila nalibang na ang marami sa kaluwagan na pinaiiral sa ilalim ng Alert Level 1.

Kahit pa nga nasa pinakamamabang alert level na, malinaw na hindi pa tuluyang nawawala ang virus kaya pag-iingat pa rin ang kailangan.

Isa sa dapat pa ring masunod at nakikitang mahalagang paraan para malabanan ang COVID, eh ang pagsusuot ng pa rin ng face mask.

Kontrobersiyal ang panuntunan na ito.

Hindi nga ba’t dito nagkaroon ng iringan ang Cebu provincial governmemt at ang DILG tungkol.

Ito ay makaraang hindi na gawing mandatrory sa lalawigan ang pagsusuot ng face mask, ito ay sa kabila naman ng panawagan ng DOH na wag agad-agad alisin ang panuntunan na ito na bahagi ng pinaiiral na health protocols.

Sa tantiya ng mga ekserto mas lalong tataas ang kaso sa mga susunod na araw o sa pagsapit ng susunod na buwan.

Huwag na sanang intayin na na umalagwa ang COVID bago mamulat ang marami.

Lalo pa nga at inaasahan na ang face to face classes sa lahat ng paaralan sa mga susunod na buwan.

Gaya ng dati ang laging paalala, huwag magig kampante at huwag magpasaway.

 

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with