^

Punto Mo

Laruang tutubi, natuklasang mabisa na pantaboy ng lamok sa Japan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa Japan ang nagbebenta ngayon ng keychain na tutubi na diumano’y mabisang pantaboy ng lamok at sa iba pang insekto!

Sa pag-aaral ng mga siyentipiko, ang mga tutubi ang pinaka-successful na predator sa animal kingdom at mayroon silang 95% success rate sa paghuli sa kanilang mga kalaban. Dahil dito, marami sa mga maliliit na insekto ang takot sa tutubi.

Kaya naisipan ng Japanese company na Miki Locos Co. Ltd. na gumawa ng keychain na mukhang tutubi bilang pantaboy sa lamok at iba pang insekto. Sa panayam sa spokesperson ng kumpanya, ginawa nila ito para sa mga taong gustong umiwas sa lamok nang hindi gumagamit ng kahit anong kemikal.

Gawa sa plastic ang keychain na tutubi at meron itong sukat na 10cm x 13cm. Maaari itong ikuwintas bilang pendant o i-clip sa sombrero. Sa unang tingin ay mapagkakamalan na totoong tutubi ang keychain.

Ayon sa mga Twitter users na nakagamit na ng keychain, mabisa ang produkto at maihahalintulad sa mosquito repellent lotion ang pagiging epektibo nito.

 

vuukle comment

JAPAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with