^

Punto Mo

EDITORYAL - Libreng sakay ipagpatuloy

Pang-masa
EDITORYAL - Libreng sakay ipagpatuloy

SABI ng Land Transporation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB), hanggang Hunyo 30, 2022 na lamang ang libreng sakay ng mga public utility vehicles (PUVs) at Metro Rail Transit Lne 3 (MRT). Ayon sa LTFRB, kapos na umano sa pondo kaya ihihinto na ang libreng sakay program. Eksakto naman ang pagtigil ng libreng sakay sa araw na pag-alis ni President Duterte sa puwesto. Hanggang Hunyo 30 na lamang manunungkulan si Duterte.

Ang libeng sakay program ay may pondong P7 bilyon na kinuha sa national budget. Araw-araw, P14 milyon ang ibinabayad sa mga kinontratang PUVs na yumayaot sa 118 ruta, Sabi ng LTFRB, gusto pa raw sana nilang palawigin ang libreng sakay hanggang Disyembre ­subalit wala na raw pondo at ipauubaya na lamang nila ito sa susunod na administrasyon. Ito na umano ang magpapasya kung ipagpapatuloy ang programa o hindi.

Pinakamarami ang nakikinabang sa libreng sakay sa MRT na umaabot sa mahigit 300,000 araw-araw. Ayon sa pamunuam ng MRT 3, ipinauubaya nila sa susunod na administrasyon kung ipagpapatuloy ang libreng sakay. Sa ngayon, susunod umano sila sa utos na hanggang Hunyo 30, 2022 na lamang ang libreng sakay sa MRT 3.

Maraming aaray sa pagtigil ng libreng sakay sa MRT at PUVs. Kung hindi na ito ipagpapatuloy ng papasok na administrasyong Marcos, nararapat nang ipatupad ang work-from-home (WFH) policy sa mga empleyado ng gobyerno at pribado upang hindi mahirapan sa pagsakay. Walang masasakyan ang mga empleyado sapagkat hindi na rin pumapasada ang mga dyipni dahil sa taas ng presyo ng diesel. Wala na silang kinikita.

Hinihimok naman ang pamahalaan na suspendehin ang excise tax sa petrolyo para bumaba ang presyo ng gasolina at diesel, subalit ayaw naman nilang gawin. Magbibigay na lamang umano ng ayuda sa mga drayber. Kaya lang, namumuti na ang mga mata ng drayber pero hanggang ngayon, wala pa ang pinangakong ayuda.

Sa Hulyo 1 ay simula na ng Marcos administration. Ipagpatuloy kaya ng administrasyong ito ang libreng sakay sa PUVs at MRT para mapagaan ang pasanin ng mamamayan. Malaking tulong ito sa mga kakarampot ang kinikita at sa mga hindi malaman kung saan kukunin ang kakainin sa araw-araw.

vuukle comment

LTFRB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with