^

Punto Mo

Ginger (67)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ALAM mo Ginger,  kung hindi kita na-meet, wala talaga akong balak na makipagrelasyon ulit. Para bang nagkaroon na ako ng takot,’’ sabi ni Anton.

‘‘Dahil dun sa biglang pag-break sa iyo ng siyota mo?’’

‘‘Oo.’’

“Bakit naman nagkaroon ka agad ng phobia?’’

“Kasi nga,  kapag nagkakaroon ako ng siyota, tuwing sasapit ang six months ay nagbi-break kami. At laging ang babae ang nakikipag-break. ‘Yun ang dahilan kaya ayaw ko na muna sanang makipagrelasyon. Parang natatakot ako.’’

“Hindi naman siguro mangyayari sa atin yun, Anton. Nagkataon lang siguro na parehong mainit ang ulo n’yo ng dati mong siyota. Hindi kayo nakapag-isip nang tama. Hindi kayo naging cool.’’

“Baka nga. Pero ganunman, nagpapasalamat ako at ikaw ang dumating sa buhay ko. Salamat at nagka-break kami.”

“Wow ang sarap pakinggan.’’

Nang matapos silang kumain, namasyal sila sa kalapit na mall. Magkahawak-kamay sila. Masayang nag-uusap.

“Ikaw na sana ang forever ko Ginger. Sana panghabangbuhay na ang pagsasama natin. Sana ikaw na talaga ang makasama ko sa habang panahon.’’

“Yan din ang wish ko Anton.’’

Pinisil ni Anton ang palad ni Ginger.

Gumanti si Ginger.

Nagpatuloy sila sa paglalakad.

Maya-maya, nagulat si Anton nang makita kung sino ang makakasalubong nila. Hindi siya maaaring magkamali!  (Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with