^

Punto Mo

Mandatory vaccination marapat nga ba?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MAINIT ang mga panawagan na gawing mandatory na ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Sa gitna ito nang pag-usbong ng bagong variant na Omicron na sinasabing mas madaling makahawa.

Nauna nang nanghikayat ang pamahalaan para magpabakuna ang lahat lalo’t sapat at may stock na tayo ng mga bakuna.

Kaya nga para mas mahikayat pa ang marami na magpaturok na ng vaccine, naglunsad pa ang gobyerno ng tatlong araw na maramihang pagbabakuna sa buong bansa na nagtapos nga kahapon.

Milyun-milyon ang target na mabakunahan sa loob ng tatlong araw.

Matindi pa nga ang panawagan, ang ayaw magpabakuna, ‘wag lumabas ng bahay para hindi pagmulan nang hawaan lalo na sa mga bakunado na.

May hikayat pa ang gobyerno sa mga establisimento at malls na huwag papasukin ang hindi bakunado.

Mistulang liliit ang mundo ng mga ito.

Kinatigan din ng pamahalaan ang pagtanggi ng ilang employer na huwag pagtrabahuhin ang hindi nila bakunadong manggagawa.

May katwiran naman kasi ang ganitong mga argumento dahil  public health naman talaga ang nakasalalay dito.

Kasi nga naman kung hindi ka nabakunahan mas prone ka sa virus, hindi lang lantad,  mas matindi ang magiging ‘tama’ nito ng virus sa isang hindi bakunado.

Hindi nga bat base sa mga datos na karamihan sa naratay dahil sa matinding tama ng COVID at sa bilang mga nasawi sa virus ay hindi mga bakunado.

Iba na siyempre ang may proteksyon, tamaan man nito hindi magiging malala ang kondisyon at may maliit na porsiyento nang pagkasawi.

Pupuwede namang gumamit ng kapangyarihan si Pangulong Digong para gawing mandatory ang bakuna, pero sa ngayon ibinabato na naman ng DILG sa mga local government units ang paglikha ng mga ordinansa na mag-uutos na gawin itong mandatoryo.

Pwede naman umano na payagan ang mga ‘di bakunado sa public places pero kailangan nilang sumailalim sa sa RT-PCR test na sila ang laging gagastos.

‘Di na protektado, maliit pa ang pwedeng galawan ng mga hindi bakunado.

Kung sabagay, nasa gitna tayo ng health emergency  kaya may kapangyarihan ang pamahalaan na ipatupad kung ano ang sa palagay nila eh karapat-dapat.

Hindi naman marahil ito pagsikil sa kalayaan kundi iniisip nila eh kapakanan ng nakakarami.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with