^

Punto Mo

Robot company, magbabayad ng $200,000 sa taong magpapahiram ng mukha at boses sa nililikha nilang mga robot!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INANUNSIYO kamakailan ng Promobot, isang robotics company sa Russia na magbabayad sila ng $200,000 (katumbas ng P10 million) sa mga taong papayag ipahiram ang itsura ng kanilang mukha at boses para gamitin sa kanilang mga gagawing robot!

Kilala ang Promobot sa paggawa ng mga hyper-realistic at humanlike robots. Sa ngayon, nagde-develop sila ng isang humanoid robot-assistant na magagamit sa mga hotel, malls at iba pang pampublikong mga lugar. Dahil gagamitin ang mga ito bilang front desk assistant, kailangang maamo at approachable ang magiging mukha nito.

Dahil dito, inanunsiyo ng Promobot na naghahanap sila ng taong bibigyan ng rights ang kanilang kompanya na gayahin ang kanyang mukha at boses para gamitin sa kanilang robot. Open sa lahat ng kasarian at lahi ang anunsyo na ito at ang tanging requirement ay dapat 25 years old and above ang edad ng gustong sumali.

Nang tinanong ng mga media kung bakit sila naghahanap ng mapaggagayahan ng mukha, napag-alaman na noong 2020, idinemanda ng Hollywood actor na si Arnold Schwarzenegger ang kompanya sa halagang $10 million dahil sa tingin nito ay kinopya ang kanyang mukha para gamitin sa isang robot. Itinanggi ng Promobot na kinopya nila ang mukha ng actor at sinabi nila na nagkataon lamang ito.

Kaya upang maiwasan na ang ganitong sitwasyon, naisipan ng kompanya na maghanap at magbayad na ng isang indibidwal na magbibigay sa kanila ng rights upang magamit ang mukha sa isang robot panghabambuhay.

Kahit nakalagay sa kontrata na panghabambuhay nang gagamitin ang iyong mukha at boses, 20,000 katao ang nagbigay ng aplikasyon sa kompanya.

Dahil sa hindi inaasahang dami, nag-anunsyo ang Promobot na isinasara na nila ang application at sa mga susunod na buwan nila ipakikilala ang nanalong mukha para sa kanilang robot.

 

vuukle comment

ROBOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with