^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag hayaang makapasok sa bansa ang Omicron

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag hayaang makapasok sa bansa ang Omicron

ANG Omicron ang bagong COVID variant na nagmula sa South Africa. Kinuha ang pangalan sa ika-15 letter ng Greek alphabet. At ayon sa mga health expert mas mapanganib daw ang Omicron kaysa Delta variant. Ayon sa World Health Organization (WHO), may malaking bilang ng mutation ang Omicron kaya nakababahala. Mabilis ang pagkalat nito kumpara sa Delta variant sapagkat sa kasalukuyan, marami nang bayan sa South Africa ang mataas ang kaso. Nakita ang unang kaso ng Omicron sa South Africa noong Nobyembre 9. Nagbigay ng babala ang WHO sa lahat ng mga bansa na paigtingin ang pagbabantay at laging imonitor ang variant.

Hindi na dapat maulit ang nangyari nang makapasok ang Delta variant sa bansa noong nakaraang Marso. Hindi ito na-monitor. Bigla na lamang napa­balita na mayroon nang infected. Unang nakita ang Delta mula sa mga pasaherong galing sa ibang bansa. Huli na nang malaman. Hindi nakapaghanda. Ang Delta variant ang nanalasa sa India noong Mayo na marami ang namatay. Sa dami ng namatay, sa open space na lamang sinusunog ang mga bangkay. Ang ibang bangkay, ipinaaanod na lamang sa Ganges River.

Ipinatupad na ang travel ban sa pitong bansa noong Biyernes. Bawal nang pumasok ang mga ­galing South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique. Tatagal ang travel ban sa mga nasabing bansa hangang Disyembre 15. Pinag-aaralan na rin kung magpapatupad ng travel ban sa mga manggagaling sa Hong Kong. Nabatid na mataas na rin umano ang kaso ng Omicron sa Hong Kong.

Itigil ang biyahe sa lahat ng mga bansa na may kaso ng Omicron. Huwag papasukin sa bansa ang mga eroplanong galing sa mga bansang may mataas na kaso. Hindi na dapat maulit ang nangyari na kaya nakapasok sa bansa ang COVID-19 variant ay dahil sa sobrang kaluwagan ng pamahalaan at hindi maayos na pag-monitor sa sakit. Marami nang aral na nakuha sa nakaraang pananalasa ng variant at hindi na ito dapat pang maulit. Bantayan ang Omicron. 

vuukle comment

OMICRON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with