^

Punto Mo

Ang ika-13 babae sa kanyang buhay (59)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPATULOY si Reagan sa pagkukuwento kay Bino ukol kay Leonor na nakilala niya sa ospital. Si Leonor ang napagtanungan niya kung saan ang Room No. 513. Sinamahan siya nito sa room na dinaanan na niya kanina. Sabi ni Leonor ay baka raw natikbalang siya.

Makaraan siyang ihatid ni Leonor sa room ng kanyang pinsan ay umalis na ito pero hinabol ni Reagan para magpasalamat.

‘‘Hinabol ko si Leonor at nagpasalamat sa nagawang tulong sa akin. Okey lang daw yun. Maliit na bagay lang daw. Hiningi ko ang phone number niya para matawagan ko siya at nang makapagpasalamat muli. Ibinigay naman niya pero nagbiro, huwag ko raw siyang liligawan sa phone. At saka nagtawa. Sabi ko’y hindi ako marunong manligaw sa phone. Sagot niya e di huwag ko na raw siyang tawagan. At saka umalis na si Leonor. Baka raw hinahanap na siya sa puwesto niya.

‘‘Itinago ko ang number ng phone ni Leonor. Nang magbalik ako sa room ng aking pinsan ay saka kami nagkumustahan. Mahusay na ang lagay niya. Himala nga raw na hindi napinsala ang gulugod niya nang bumagsak mula sa poste ng telepono. Baka raw mga isang linggo pa ay makalabas na siya ng ospital.

‘‘Ikinuwento ko sa aking pinsan na naligaw ako sa paghahanap nitong room niya. Mabuti na lang ay may mabait na Pinay na nagturo sa akin. Sabi ko sa aking pinsan, kung hindi sa Pinay na iyon ay baka hindi ko nakita ang room. Baka raw na-‘tikbalang’ ako sabi ng Pinay. Napahagikgik ang aking pinsan nang marinig ang tikbalang. Wala raw tikbalang sa Saudi.

‘‘Mga dalawang oras din akong namalagi sa room ng aking pinsan. Marami rin kaming napagkuwentuhan. Todo pasalamat ang pinsan ko dahil ako lamang ang naging bisita niya sa loob nang isang buwan niyang pamamalagi sa ospital. Nagpaalam na ako sa kanya at sabi ko dadalawin ko na lang siya sa housing niya kapag nakalabas na siya ng ospital.

‘‘Kinagabihan agad kong dinayal ang phone number ni Leonor. Gusto ko uli siyang makausap at makapagpasalamat sa nagawa niyang tulong sa akin.

‘‘Babae ang sumagot sa akin na nabosesan ko agad na si Leonor. Tinanong niya kung sino ako. Sabi ko’y si Tikbalang.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

LIFE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with