^

Punto Mo

Eleazar, hinikayat na tumakbong senador!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Umani na naman ng parangal ang Mandaluyong City nang mapili na 2021 National Exemplar-People Program of the Year in Public Sector ang project nitong Therapy, Education, and Assimilation of Children with Handicap (TEACH). Kinilala ng People’s Management Association of the Philippines (PMAP) ang community-based program ng siyudad na nagbibigay ng libreng serbisyo at tulong sa mga kabataang mahihirap na may special needs. Ang proyekto ay inumpisahan ni dating mayor at ngayon ay MMDA chairman Benhur Abalos noong 2007 at umabot na sa 1,270 kabataang may di-sabilities ang natulungan ng TEACH. Sa regional evaluation, tinalo ng siyudad ni Mayor Menchie Abalos ang 12 na iba pang kandidato para mapiling Regional Exemplar Awardee.

• • • • •

Kumakalat ngayon sa bansa ang manifesto na hinihikayat si PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na tumakbong senador sa darating na May elections. Sinabi sa manifesto na hindi matatawaran ang liderato at kakayahan ang ipinakita ni Eleazar sa kanyang pamumuno sa 220,000 strong na kapulisan kaya dapat lang na ipagpatuloy niya ang sinimulang serbisyo publiko sa pulitika.

“Ang malinis at walang batik na record ng isang kagalang-galang na lider, mga katangiang dapat taglayin para maging pundasyon ang karapat-dapat na maluklok na kinatawan ng mamamayang Pilipino sa Senado,” ayon pa sa menifesto patungkol kay Eleazar. Hihihi! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Nararapat ba si Eleazar na maupo sa Senado? Dipugaaaaaaa!

Kung sabagay, matagal nang pumutok ang balita na papasukin ni Eleazar ang magulong pulitika subalit tikom pa ang bibig ni PNP chief tungkol dito. Nasa kainitan kasi si Eleazar sa programa niyang Intensified Cleanliness Policy na ang layunin ay sipain ang mga scalawags sa hanay ng PNP para maiangat ang imahe ng pulisya sa mga Pinoy.

At mukhang nagtagumpay naman s’ya, di ba mga kosa? Marami nga ang nagsasabing ma-extend sana ang termino ni Eleazar nang sa gayon madami pa s’yang magawa para maging pogi lalo ang PNP sa mata ng sambayanan. Tumpak!

Marami ang naghihinayang sa kagalingan ni Eleazar at di nila matiis na masayang lamang ito kaya idinaan nila ang kahilingan nila sa manifesto sabay panalangin na magbago ang ihip ng hangin at dinggin ang kagustuhan nilang pumasok ito sa pulitika. Dipugaaaaaaa!

Nasa manifesto ang ilang testimonya ng kilalang pulitiko at sikat na Pinoy nang mapili si Eleazar bilang PNP chief. “A good pick by the president,” ani Sen. Ping Lacson na tumatakbong presidente; “Best choice ever,” ani Senate Pres. Tito Sotto; “An excellent choice,” ayon kay Sen. Bato dela Rosa; “Truly an officer and a gentleman,” ang sinabi naman ni Atty. Domingo Egon Cayosa, ang presidente ng Integrated Bar of the Philippines; “(A) man of action in resolving cases with swiftness,” ayon kay House Majority leader Martin Romualdez, at “Since Lacson is leaving the Senate to run for president, Eleazar should take his place in the august body,” ani Star columnist Mon Tulfo. Hihihi! Mabango si Eleazar sa ngayon at sana ipagpatuloy niya ang pagseserbisyo sa bansa sa pamamagitan ng pagpasok sa pulitika. Anong sey n’yo mga kosa? Dipugaaaaaa! Abangan!

Eleazar, hinikayat na tumakbong senador!

DIPUGA Non Alquitran

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with