^

Punto Mo

Mga penguin sa isang zoo sa Thailand, nami-miss na ang mga tao

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAMI-MISS na raw ng mga penguins sa isang zoo sa Thailand ang mga taong bumibisita sa kanila, ayon sa kanilang tagapag-alaga.

Ayon kay Tossapol Kosol, penguin specialist ng Khao Kheow Open Zoo, napansin niyang parang nalilito ang mga penguins dahil sa kawalan ng tao sa zoo gayung dati ay siksikan pa ang mga nanonood sa kanila.

Kapansin-pansin daw na kapag lumalabas na ang mga penguin sa kanilang lungga ay napapatigil daw ang mga ito at napapatingin sa paligid na animo’y nagtataka kung nasaan ang mga bisita ng zoo.

Dahil sa kawalan ng mga bumibisita sa zoo, kinailangan tuloy mag-isip ni Tossapol ng exercise para sa penguins.

Matapos pakainin ng 25 kilo ng mackerel, pinagma-martsa niya ang mga ito mula sa kanilang air-conditioned na lungga papunta sa outdoor pool.

Sa kabila nito, ramdam pa rin daw niya ang pangungulila ng mga penguin sa mga bisita ng zoo, na dati ay siyang mga nagpapakain sa kanila.

Nananalasa ngayon ang panibagong outbreak ng COVID-19 sa Thailand kaya nagpatupad doon ng bagong paghihigpit sa mga pampublikong mga establisimento, kabilang na ang mga zoo.

vuukle comment

THAILAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with