^

Punto Mo

Kongreso umaksyon na sa extension ng voter’s registration

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Walong araw na lang bago ang itinakdang deadline ng Commission on Election (Comelec)  para sa voter’s registration sa Sept. 30, kapwa naghain na ng panukalang batas/ resolusyon  ang Senado at Kamara para ito’y mapalawig.

Ito na ang nakikitang paraan ng Kongreso para mapilitan ang Comelec na i-extend ang registration.

Matigas daw  kasi ang ulo ng komisyon dahil kahit anong pakiusap eh nagmamatigas.

Sa Senado, 23 senador ang naghain ng  Senate Bill 2408 para sa extension ng registration. 

May  katwiran ang mga mambabatas nang sabihin nilang  ang itinakdang deadline ng Comelec na Setyembre 30, 2021 ay noong  bago pa man ang pandemya.

Mahigit na isang taon ang pandemya, mahabang panahon na naisailim sa mahihigpit na restriksyon at lockdown ang malaking bahagi ng bansa.

Natural suspendido ang ang pagpaparehistro na dapat ay isinang-alang alang ng Comelec para sa ekstesnsyon ng registration.

Nasa 12 milyon pa umano ang potensyal na botante para magparehistro.

Halos ganito rin ang pag-aksyon ng mga kongresista sa inihaing House Reolution  10261 na naggigiit din sa extension ng voter’s registration.

Hindi nga ba’t nauna nang nagbanta ang mga senador na babawasan ang aaprubahang budget ng Comelec kapag hindi inextend ang pagpaparehistro?

Malamang na napapansin na  rin ng komisyon sa kanilang pangangasiwa ng registration sa iba’t ibang lugar na talagang may matinding pangangailangan para ito ma-extend.

Makikita nila ito sa haba ng pila at pagnanais  pa  ng marami na makapagparehistro.

Sa panahong ito, hindi  mo ito maisisi sa isang nais na bumoto at magparehistro kung bakit dagsa ang humahabol sa deadline.

Kung noon na walang pandemya, pwede dahil sa mahabang panahon na ang ibinibigay  at ang marami ay naghahabol na lang sa deadline na doon gustong-gustong magparehistro.

Iba ang sitwasyon ngayon dahil may pandemic at hindi kagustuhan ng isang indibiduwal kung hindi sila agad-agad na nakapagrehistro, kundi napigilin sila ng kaganapan sa pandemya. 

Marami ang umaasa na mapapalawig pa ang registration na ito ang ating aantabayan.

vuukle comment

VOTER’S REGISTRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with