^

Punto Mo

Ilang katotohanan tungkol sa inuugali ng mga tao (Part 2)

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

Mas matatandaan ng isang estudyante ang notes na isinulat niya sa pamamagitan ng kanyang kamay kaysa  notes na tinayp niya sa laptop. Ang bonus pa kung nagsulat siya, ay mas nagtatagal ito sa kanyang memorya.

Karaniwan nang naririnig natin sa mga contestants ng mga patimpalak ang mga salitang: Manalo, matalo sa contest na ito…blah blah. Ang paggamit ng salitang manalo, matalo,  ay nagbabadya na binababaan ng contestant ang kanyang expectation na manalo, kaya mas malamang na natatalo siya. “Greater expectations can lead to better performance and better results, while lower expectations, can decrease the performance level.”

Ang pagkausap sa sarili kapag nag-iisa sa kuwarto ay nakakaunlad ng concentration at mental recall.

Mas nagiging creative ang mga tao sa gabi kaysa araw.

Ang friendship na nabuo sa pagitan ng iyong edad 16 years old hanggang 28 years old ay malamang na maging malalim at pangmatagalan. Kaya pala ang mga kaibigan mo sa high school at kolehiyo ay madalas na tumatagal hanggang pagtanda.

Nakakatulong ang pagkakaroon ng kapatid upang magkaroon ka ng magandang pakisama sa ibang tao. Sa pamamagitan nila, napapraktis mo kung paano makisama sa iba’t ibang klaseng tao.

Base sa pag-aaral, ang pagtira sa lugar na may natatanaw kang dagat, ilog, lake at iba pang body of water ay nakakabawas ng psychological distress kagaya ng pagod, lungkot, pagkabalisa, takot, galit, mood swings at takot na makipagsosyalan sa ibang tao.

vuukle comment

ATTITUDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with