^

Punto Mo

EDITORYAL - Face-to-face sa virus?

Pang-masa
EDITORYAL - Face-to-face sa virus?

MAGKAKAROON na ng face-to-face classes sa 120 eskuwelahan, ayon sa Department of Education (DepEd). Pumayag na umano si President Duterte subalit gagawin lamang ito sa mga lugar na may mababang bilang ng COVID-19 cases. Sa 120 school na kasali sa face-to-face, 20 rito ang pribado. Hindi pa alam kung kailan sisimulan ang face-to-face classes. Ihahayag daw ng DepEd kung kailan ang implementasyon.

Nakakapagtaka naman kung bakit masidhi ang pagnanais ng DepEd na magkaroon na ng face-to-face gayung kasagsagan pa ng pagdami ng kaso ng COVID. Kahit ba sabihing sa mga lugar na mababa ang COVID ito gagawin, walang kaseguruhan kung hindi magbabago ang dami ng kaso sa lugar. Maaa-ring ngayon ay mababa ang kaso pero sa susunod na araw ay maaaring tumaas. Wala nang lugar na COVID free ngayon. At lalo pa ngang lumala dahil sa paglutang ng Delta variant.

Ayon naman kay DepEd Secretary Leonor Briones, ang mga lalahok na school sa face-to-face ay nararapat pumasa sa safety assessment ng DepEd. Kinakailangan din na may pahintulot ng lokal na pamahalaan ang pagsali ng school. Kailangan din na mayroong sulat mula sa magulang ng estudyante na pumapayag siyang pumasok muli sa school ang kanilang mga anak. Sabi pa ng DepEd secretary, kailangang may sapat na pasilidad ng mga paaralan para magpatupad ng mga health protocol. Kapag daw sa lugar ay may hawahan, posibleng itigil ang face-to-face.

Dalawang beses nang sinansala ni President Duterte ang pagdaraos ng face-to-face classes dahil ayon sa kanya, ayaw niyang malagay sa alanganin ang buhay ng mga bata. Magtiis na lang muna sa distant learning. Pero bakit ngayon ay pumapayag na siya? Nasaan na ang pag-aalala niya sa kalusugan ng mga bata? Noong nakaraang buwan, maraming bata ang naospital makaraang tamaan ng COVID.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ni Duterte ang panukala ng DepEd dahil kinikilala umano nito ang importansiya ng pagkakaroon ng face-to-face classes. Hindi raw ito isyu lang ng edukasyon kundi pati na rin ng mental health ng mga kabataan at isyu na rin ng ekonomiya dahil baka may henerasyon na mawala dahil walang face-to-face.

Mas maganda sana kung ituloy ang face-to-face kung bakunado na lahat. Wala nang peligro. Pero hangga’t hindi pa naaabot ang target na 70 million ng populas­yon, nakaharap sa problema ang mga bata. Posibleng maka-face-to-face ang virus. Magtiis na lang muna sa online classes.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with