^

Punto Mo

EDITORYAL - Sayang na bakuna

Pang-masa
EDITORYAL - Sayang na bakuna

MARAMI pa ang hindi nababakunahan. Karamihan ay gumigising nang maaga at pumipila para makaabot sa cut-off ng babakunahan. Mayroong hindi inaabot kaya umuuwing luhaan. Marami na ang nagnanais magpabakuna pero kulang pa ang suplay. Ang iba ay naghihintay pa sa second dose.

Mula nang kumalat ang Delta variant, marami na ang naghahangad na mabakunahan para may proteksiyon sa virus. Ayon sa report, lahat nang mga tinatamaan ng Delta ay ‘yung mga hindi pa bakunado. Ganunman, sabi ng Department of Health (DOH) kahit na ang baku­nado ay maaari pa ring tamaan ng Delta kaya kailangan ang pag-iingat. Panatilihin ang pagsusuot ng face mask, face shield, maghugas ng kamay at panatilihin ang physical distancing. Sabi pa rin ng DOH, ang mga fully vaccinated ay hindi tinatamaan ng severe COVID. Hindi sila naoospital.

Marami na nga ang gustong magpabakuna pero ang problema ay kulang pa ang suplay. Sabi naman ni vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., maraming parating na bakuna ngayong buwan na ito. Noong Sabado, dumating ang Sinovac at Pfizer at marami pa umanong susunod. Ayon pa kay Galvez, maaaring maabot na ang herd immunity kapag lubusan nang dumagsa ang mga suplay. Baka maging maganda na ang Pasko ng mga Pilipino.

Nakapagtataka lamang na kung gaano kaingat si Galvez at iba pang IATF official para mapa­ngalagaan ang mga bakuna, may mga local government unit at DOH officer na hindi isina­ayos ang mga bakuna.

Ayon sa report, 10,000 doses ang nasayang dahil sa temperature excursion. Sabi ng DOH, maraming nasayang na bakuna sa storage faci­lity sa Muntinlupa City. Mayroon ding nasayang sa South Cotabato dahil inalis ang pagkaka­saksak ng refrigerator na may mga vaccine.

Maging maingat sana ang LGU at DOH officer. Sayang ang mga bakuna. Maraming gustong magpabakuna pero nasasayang lang.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with