^

Punto Mo

Nangangamoy eleksyon na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Sa kabila nang laban sa patuloy pang pagtaas ng kaso ng COVID, narito at talagang hindi na mapigilan, nangangamoy halalan na talaga.

Kabi-kabila na ang pagdedeklara ng mga kandidato sa mga posisyong kanilang tatakbuhan sa gaganaping 2022 local at national elections.

Sa pangpanguluhan, tiyak na ang pagtakbo ni Sen. Ping Lacson na ang ka-tandem ay si Sen. Tito Sotto.

Kahapon inendorso na rin ng PDP-Laban (Pimentel faction) si Sen. Manny Pacquiao para tumakbong presidente.

Hindi naman ito tinanggihan ni Pacquiao at mistulang nagkumpirma na sa tuloy nitong pagtakbo bilang pangulo ng bansa.

Iba ito sa nangyari sa PDP -Laban (Cusi faction) na ang inendorso na tumakbo bilang presi­dente ay si Sen. Bong Go, na tahasang tumanggi sa nominasyon.

Si presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio naman na itinutulak ding tumakbo bilang presidente ay nagpahayag na hindi siya interesado kundi muli siyang tatakbong alkalde sa lungsod at hindi sa national position o pagka-Pangulo. Isang Duterte lamang umano ang dapat na tumakbo sa national position sa darating na eleksyon.

Hindi nga ba’t tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban Cusi faction na tumakbong bise-presidente.

Hinihintay pa rin ang magiging desisyon at pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno na matunog ding sasabak sa pagka-presidente, si Vice president Leni Robredo naman tila hindi pa rin tiyak habang si dating Sen. Bongbong Marcos ay may pahapyaw na rin na tatakbo sa pang-panguluhang posisyon.

Habang papalapit nang papalapit ang filling ng Certificate of Candidacy (COC) sa Oktubre 1-8 sa mga nagnanais na tumakbo sa halalan, unti -unti na nating makikilala ang mga kandidato.

Maaaring may umatras, maaaring may mag-substitute sa mga ito, kaya talagang magkakaalaman nyan eh sa buwan ng Nobyembre 15 sa deadline ng substitution ng nominee ng mga political party.

Uminit man ang isyu at usapin sa mga tatakbo sa halalan, sana lang ‘wag nitong matabunan ang ginagawang paglaban sa pandemya dulot ng COVID.

Hindi sana malibang ang marami sa eleksyon, dahil ang mas matinding laban na kinakaharap ngayon eh ang laban sa COVID.

May malaki rin itong kinalaman kung paano umaksyon ang isang nakaupong politiko sa pagtugon sa pandemya, pwedeng dito sila husgahan ng taumbayan.

 

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with