^

Punto Mo

Lalaki sa China na tatlong buwan nang inuubo, natuklasang may 2 linta sa kanyang lalamunan!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

INIULAT kamakailan ang tungkol sa isang lalaki na walang tigil­ ang pag-ubo at natuklasang ang sanhi nito ay ang dalawang linta na nasa kanyang lalamunan.

Dalawang buwan nang walang tigil ang ubo ng hindi pina­ngalanang lalaki ngunit naisipan lamang nitong pumunta sa doktor matapos umubo siya na may kasamang dugo.

Nang sumailalim ang lalaki sa CT scan, walang nakita ang mga espesyalista kaya isinailalim na siya sa procedure na tinatawag na bronchoscopy kung saan gagamit ng maliit na camera para suriin ang kanyang air passages.

Dahil sa bronchoscopy, nakita ang dalawang linta. Isa sa kan­yang lalamunan at isa sa malapit sa butas ng kanyang ilong.

Walang ideya ang lalaki kung paano nagkaroon ng linta sa loob ng kanyang katawan ngunit may haka-haka ang mga doktor na nakuha niya ito mula sa pag-inom ng tubig na iniigib niya mula sa ilog.

Ayon sa mga doktor, maaaring nanggaling ang linta sa inuming tubig. Hindi niya ito nakita dahil maliliit ang mga ito at saka na lamang lumaki sa loob ng kanyang katawan.

Upang makuha ang mga linta, sumailalim sa operasyon ang lalaki.

Sa kasalukuyan, naka-recover na ang lalaki at tumigil na ang kanyang pag-ubo.

 

vuukle comment

CHINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with