^

Punto Mo

Japanese Youtuber, nag-viral dahil cpu ng computer ang gamit sa pagluluto!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

KILALA ang mga Hapones sa pagkakaroon ng mga kakaiba pero nakakatuwang mga pakulo sa iba’t ibang mga bagay.

Tulad na lamang ng isang sikat na Japanese social media influencer na nakaisip gumawa ng cooking channel sa Youtube na ang gamit sa pagluluto ay ang central processing unit (CPU) ng kanyang computer.

Anim na taon nang nagpo-post ng iba’t ibang videos ang Samurai Channel sa Youtube pero ang mga cooking videos niya gamit ang mainit na CPU ang may matataas na views at madalas na ito ang i-request na  kanyang subscribers na gawin niyang content.

Ayon kay Kenta Yamazaki na nag-mamay-ari ng nasabing Youtube channel, naisipan niya na gawing lutuan ang kanyang CPU matapos mag-overheat ang kanyang computer sa bahay. Noong panahon na iyon, nag-iisip siya ng maganda at kakaibang konsepto ng content para sa kanyang channel .

Dahil may hilig siya sa pagluluto, naisipan niya na kuhanan ng video at subukan kung makakaluto ba ng pagkain ang isang CPU.

Ilan sa mga sinubukan niyang lutuin sa kanyang CPU ay nilagang itlog, pritong itlog, wagyu steak at pati na rin donuts! Ang ilan sa mga videos na kanyang ini-upload ay mayroong mahigit three million views.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagdami ng views at subscribers ng Samurai Channel at ayon kay Yamazaki , marami pa siyang gustong subukang lutuing putahe sa kanyang CPU.

vuukle comment

SOCIAL MEDIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with