^

PM Sports

4 teams sisimulan na ang giyera sa quarterfinals

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mag-uunahan sa u­nang panalo ang apat na koponan sa paglarga ng kanilang maikling best-of-three quarterfinal series upang makalapit sa Final Four ng 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa Smart-Araneta Coliseum.

Unang sasabak ang NLEX at Meralco sa sibling rivalry nila sa alas-4:30 ng hapon bago ang sagupaan ng Talk ‘N Text at Rain or Shine sa alas-7:30 ng gabi.

Sinumang magwawagi ay mamumuro ng isang panalo sa best-of-seven semifinals kontra sa kabilang brackets na binabanderahan ng primerang San Miguel Beer at segundang Ginebra hawak ang twice-to-beat advantages.

Subalit sa best-of-three series muna ang atensyon ngayon.

Paborito ang NLEX at TNT kontra sa kanilang mga karibal matapos ang dikit na mga tagumpay sa elimination rounds.

Naitakas ng Tropang Giga ang 108-107 panalo kontra sa Elasto Painters sa conference opener habang dinaig naman ng Road Warriors ang Bolts, 99-96.

Pero ang momentum ay nasa Meralco at RoS ngayon na nagbuhol ng sunud-sunod na panalo upang hindi lang basta makahabol sa playoffs kundi makapuwesto pa sa best-of-three series.

Makakaharap ng No. 8 na Dyip ang No. 1 na Beermen habang sa kabilang pairing ang No. 2 na Gin Kings at No. 7 na Magnolia Hotshots.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with