Higit 45% vaccination rate sa seniors, naitala
MANILA, Philippines — Naitala ng Department of Health (DOH) ang higit sa 45% vaccination rate sa senior citizen population sa 17 rehiyon sa bansa.
Sa ulat ng National Vaccination Operations Center, nakapagtala ng pinakamataas na vaccination rate ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region, na may 92.8% at 90.7% vaccine coverage at ang pinakamababa ay ang Bangsamoro region na mayroong 46% vaccine coverage.
Umabot na sa 70,853,659 indibidwal ang nakakumpleto ng ‘primary series’ ng bakuna habang 15,017,716 ang nabigyan ng ikatlong dose o unang booster shot.
- Latest