^

Police Metro

Ammonia, sumingaw sa ice plant sa Navotas

Doris Franche - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabulabog ang mga residente matapos sumi­ngaw ang ammonia sa isang planta ng yelo sa Navotas City, noong Sabado ng gabi.

Sa report ng Navotas-PNP, alas-9:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Magsimpan Ice Plant and Cold Storage Inc. na matatagpuan sa kahabaan ng M Naval St., Brgy. NBBS Kaunlaran, Navotas City.

Sa pahayag sa pulisya ni Roey Ganzo, nasa hustong gulang at in-charge maintenance ng naturang planta ng yelo, habang naglilinis siya ng natitirang liquid sludge nang mapansin niya ang malakas na amoy ng ammonia sa loob ng residential area ng nasabing ice plant.

Kaagad silang umalis sa loob ng naturang lugar saka humingi ng tulong sa nagpapatrolyang mga tauhan ng Navotas police.

Mabilis namang rumes­ponde sa natu­rang lugar ang pulisya at bumbero sa lugar at wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa nasabing insidente.

vuukle comment

AMMONIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with