Winwyn, ikakasal na
Elementary classmate at childhood sweetheart ang ama ng anak ni Winwyn Marquez na si Luna!
Take note, engaged na raw sila ayon sa father ni Wyn na si Joey Marquez sa zoomcon ng coming GMA series na Bolera.
Sabi pa ni Joey, malamang na this year ang kasal ng anak niya. Walang nabanggit na name ng lalaki si Joey. Private at non-showbiz daw kasi ang guy, Salve A., huh!
Arjo, comfortable na sa pamilya ni Maine
Belong na belong na si Congressman Arjo Atayde sa pamilya ng girlfriend niyang si Maine Mendoza.
Eh sa nakaraang kasal ng sister ni Meng, join sa entourage si Arjo dahil isa siya sa abay, huh!
Of course, sila ni Maine ang magka-date sa araw na ‘yon na ipinagmalaki ni Arjo sa kanyang social media account.
Ngayong congressman na si Arjo, madalas ba nating makikita si Meng sa distrito na nasasakupan ni Arjo sa Quezon City?
- Latest