^

Police Metro

Mga ‘di bakunado at pwede nang ­magpa-booster, hanapin DILG sa LGUs

Mer Layson - Pang-masa
Mga �di bakunado at pwede nang ­magpa-booster, hanapin DILG sa LGUs
Binakunahan ang isang pasahero sa loob ng kanyang sasakyan sa Maynila sa isinagawang drive thru vaccination sa lungsod na batay sa ulat ay kasalukuyang may 23 kaso ng COVID-19.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) sa bansa na maging proactive sa paghahanap sa mga indibidwal sa kani-kanilang nasasakupan na hindi pa bakunado at mga pwede nang magpaturok ng COVID-19 booster shots.

Ang kautusan ay kasunod na rin nang pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na may natukoy na silang kaso ng Omicron BA.4 subvariant sa Pilipinas, na ­itinuturing na variant of concern (VOC) ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

Ayon kay Año, ang BA.4 ay banta sa public health ay maaari itong makalusot sa immune protection mula sa pagbabakuna at dating impeksiyon.

Sinabi ng kalihim na dapat na i-maximize ng mga LGUs ang kanilang mga resources at galugarin ang kanilang nasasakupan upang mahikayat ang mga indibidwal na hindi pa bakunado na magpabakuna laban sa COVID-19.

Dapat din aniyang mahimok na magpaturok na ng booster shots ang mga eligible population bilang precautionary measure laban sa mas nakahahawang Omicron variant at posibleng community transmission.

Una nang sinabi ng DOH kamakalawa na isang Pinoy na nagtungo sa Middle East noong Mayo 4 ang nakumpirmang positibo sa BA.4, base sa pagsusuring isinagawa sa kanyang ­specimen na nakolekta noong Mayo 8 at asymptomatic naman ang pasyente.

Binigyang-diin ni Año na sa kabila ng transition of power sa mga bagong halal na opisyal, dapat na handa ang mga LGUs na gamitin ang kanilang mga resources at tukuyin ang mga residenteng eligible na sa pagbabakuna at booster shots.

vuukle comment

DILG

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with