^

Police Metro

P8 bilyong pondo matitipid Barangay elections planong ipagpaliban

Joy Cantos - Pang-masa
P8 bilyong pondo matitipid Barangay elections planong ipagpaliban
Ayon kay Romualdez, napipisil na susunod na House Speaker, na isa ang barangay election sa unang tatalakayin sa pagbubukas ng 19th Congress, sa ngayon ay mayroong mga sumusuportang tserman na hindi ito ituloy para makatipid at mailaan ang pondo sa Covid-19 res­ponse.
The STAR / Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Sinabi ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na plano nilang ipagpaliban ang Ba­­rangay Election sa Dis­­yem­bre 2022 na kung saan ay nasa P8B pondo ang ma­titipid ng pamahalaan.

Ayon kay Romualdez, napipisil na susunod na House Speaker, na isa ang barangay election sa unang tatalakayin sa pagbubukas ng 19th Congress, sa ngayon ay mayroong mga sumusuportang tserman na hindi ito ituloy para makatipid at mailaan ang pondo sa Covid-19 res­ponse.

Aniya, kung hindi ma­gagamit ang pondo ay ma­aari itong maging savings na magagamit naman sa economic stimulus at ayuda sa publiko na siyang higit na kailangan lalo at nanati­ling nasa ilalim ng pande­mic ang bansa.

Noong nakaraang taon ay isang panukala na ang naihain sa Kamara na nag­susulong ng pagpapa­liban­ ng December 2022 barangay gayundin ang Sangguniang Kabataan elections na nakaiskedyul sa May 2024.

Si incoming President Bongbong Marcos ay una nang nagsabing isusulong niya ang five-year term sa mga barangay officials.

vuukle comment

BARANGAY ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with