^

Police Metro

Drug suspect timbog sa P6.9 milyong shabu

Mer Layson - Pang-masa
Drug suspect timbog sa P6.9 milyong shabu
Sa ulat, bago naaresto ang suspek, alas-6:10 ng gabi sa parking lot 2 ng isang kilalang mall sa Commonwealth, Brgy. Batasan Hills ay isang pulis ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P1,000 halaga ng shabu.

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang drug suspect sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Mohammad Bocua, 27, ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Sa ulat, bago naaresto ang suspek, alas-6:10 ng gabi sa parking lot 2 ng isang kilalang mall sa Commonwealth, Brgy. Batasan Hills ay isang pulis ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P1,000 halaga ng shabu.

Sa gitna ng transaction ay inaresto ang suspek at nakumpiska ang 1 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.9 milyon at cellphone na ginamit sa drug transaction.

Kasalukuyang nakapiit na ang suspek at kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with