^

Police Metro

Aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila posibleng pumalo sa 58K sa September 30

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa panibagong kalkulasyon ng Department of Health (DOH) ay posibleng pumalo na sa 58,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa katapusan ng kasalukuyang buwan at bababa na ito sa Oktubre.

“Maaaring umabot sa 58,117 ang mga aktibong kaso sa Metro Manila sa Setyembre 30. Bababa rin umano ito kinalaunan na inaasahan na maitatala sa 54,780 sa Oktubre 15 at 46,563 sa Oktubre 31 at maaari na ring umabot ang arawang bagong kaso sa 4,450 sa Oktubre 31,” wika ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Habang nakikita ang trend sa pagbaba ng mga kaso, iginiit niya na naaapektuhan ang mga kaso ng ibang mga dahilan tulad ng dami ng testing, maagap na pagtukoy sa mga kaso at maagang isolation ng mga pasyente.

Halimbawa nito ay ang pagbaba ng bilang ng isinagawang testing nitong Setyembre 21 sa 258,047 mula sa dating 287,548 ng sinundang linggo.  Nagresulta ito sa mas mababang bilang ng mga positibong indibidwal sa 50,194 mula sa sinundang 66,654.

Subalit, nananatili pa rin na nasa ‘high risk’ ang daily attack rate ng NCR sa 38.04 cases per 100,000 population, na siya ring pinakamataas sa lahat ng mga rehiyon.

vuukle comment

COVID-19

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with