^

Police Metro

6 mag-aaral sa Muntinlupa na nahuli sa curfew tinanggalan ng scholarship

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Mun­tinlupa local government unit (LGU) ng scholarship na babawian nila ang mga kabataan na mahuhuli sa paglabag sa curfew rules.

Sa layuning mapigilan ang mas malalang hawaan ng COVID-19 sa mga kabataan, mas maigting ngayon ang ope­rasyon para madakip ang mga lalabag at  posibleng masuspinde o bawian ng scholarship.

Sa ilalim ng lokal na ordinansa, ang curfew violators na menor de edad ay bibigyan muna ng mahigpit ng stern warning sa unang pagkakasala at sa ikalawang pagkakataon ay babawian na ng scholarship grant habang P300  ang multa sa non-grantee sa  second offense, at P500 para sa ikatlo at susunod pang paglabag sa curfew hours na kung saan ang penalty fee ay ipasasagot sa magulang o guardian ng violator.

Nitong Setyembre 22, ang Muntinlupa Scho­larship Division (MSD) ay nakapagtala ng hindi bababa sa 70 scholars na lumabag sa curfew hours, batay sa mga isinumiteng reports ng mga barangay at lokal na pulis ng Muntinlupa.

Sa 70, ay 64 ang na­bigyan ng warning habang 6 ay tinanggal na sa scholarship program. Ang mga menor de edad na nakagawa ng ikalawang pag­labag ay masususpinde ng isang academic year at lalagda sa underta­king para sa mahigpit na pagtupad sa curfew rules.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with