^

Police Metro

1 pang madre sa RVM Sisters patay sa COVID-19

Robertzon Ramirez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isa pang madre mula sa Congregation of the Religious of the Virgin Mary, o RVM Sisters, ang namatay sa CO­VID-19, kaya’t nasa 9 na ang nasasawi habang ang 13 iba pang madre ay nakakaranas ng severe symptoms.

Sa ipinadalang statement ng RVM Sisters na may dalawa pa sa  62 madre ang nagpositibo sa COVID-19 ay fully recovered na habang ang 38 ay nakakaranas ng mild o moderate symptoms habang ang 13 ay nasa severe conditions.

“Nine Sisters have passed away, all in the age range of 79 to 98 years, and with comorbidities,” pahayag ng RVM Sisters.

Ayon pa sa RVM Sisters na ang madre at  staff na nagpositibo sa COVID-19 ay patuloy na minomonitor at ginagamot sa tulong ng Quezon City Epidemio­logy and Surveillance Unit (QCESU). 

Nagpapasalamat din ang RVM Sisters sa mga Katoliko na walang sa­wang nagdarasal para sa mabilis na paggaling ng mga madre na tinamaan ng COVID-19.

Nagbabala rin ang RVM Sisters sa publiko laban sa mga indibidwal na ginagamit ang kumbento para makahingi ng donasyon na wala silang pahintulot.

Sa nais magbigay ng tulong ay direktang kontakin ang kanilang secretariat sa (02) 8723-4414 at 020-4181981.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with