^

Police Metro

Points promo ng Globe nagbabalik para sa 917

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kaugnay sa pagdiriwang ng Globe sa 917 Day nito, muling magkakaroon ng opsiyon ang Globe at TM customers na i-convert ang kanilang unused data sa Globe Rewards points mula September 15 hanggang 30, 2021.

Ang 917 ay ang ori­ginal at iconic prefix ng Globe na ipinagdiriwang tuwing September 17 ay nakatuon na maranasan ng mga customer ang #GDayEveryday.

Bahagi ng selebrasyon ang pagkakaloob ng Globe sa lahat ng Prepaid, Postpaid, Platinum, TM, at Globe At Home Prepaid WiFi customers nito ng mas maraming paraan para makakuha ng Rewards points nang sa gayon ay higit nilang ma-enjoy ang iba’t ibang GDay activities na nakalinya para sa kanila.

Ang mga points na mare-redeem ay maaaring­ gamitin para sa discounts at freebies mula sa mga partner ng Globe Rewards, kabilang ang video strea­ming at gaming platforms, food establishments, online shopping at delivery services, at healthcare offers.

Maaari ring i-donate­ ang extra points sa alin­man­ sa 15 community partners ng Globe, na may kinalaman sa iba’t ibang adbokasiya mula reforestation, health, education, at iba pa na makikita sa New Globe One app.

vuukle comment

GLOBE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with