^

Police Metro

Duterte aprub ang limitadong F2F classes

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte aprub ang limitadong F2F classes
Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DepEd secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face-to-face classes, ngunit limitado pa lang ito sa 100 paaralan.
Freeman / File

MANILA, Philippines — Doon lang sa mga lugar na may mababang kaso ng hawaan ng COVID-19 ang pinayagan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na magsagawa ng limitadong face-to-face classes.

Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque ay inanunsiyo ni DepEd secretary Leonor Briones ang gagawing pagsisimula ng face-to-face classes, ngunit limitado pa lang ito sa 100 paaralan.

Base sa inilabas na guidelines, maisasagawa lamang ang pilot face-to-face classes kung papasa sa safety assessment ng DepEd ang area kung saan gagawin ang klase.

Kailangan din aniya na may pahintulot mula sa lokal na gobyerno at kaila­ngan din ng written consent mula sa mga magulang ng mga estudayanteng lalahok sa face-to-face classes.

Sinabi ng Kalihim na magiging limitado ang kapasidad ng mga estud­yante para sa naturang set up.

Sa Kindergarten ay tanging 12 learners lamang ang lalahok sa face-to-face classes habang ang nasa Grade 1 to 3 ay kailangang nasa 16 lamang at ang mga nasa hanay naman ng technical o vocational learners ay lilimitan sa 20.

Inaasahang sisimulan ang face-to-face classes pagkalipas ng dalawang buwan. - Mer Layson

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with