18.2 milyon na ang bakunadong Pinoy
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 18.2 milyong Pilipino ang bakunado o ‘fully-vaccinated’ mula nang umpisahan ng pamahalaan ang COVID-19 vaccination drive noong Marso 1.
Sa datos ng DOH, halos 41 milyong doses na ng iba’t ibang brand ng bakuna ang naipamahagi nila sa buong bansa nitong Setyembre 18.
Sa mga nakatanggap ng unang dose ng Sputnik V vaccine, sinabi ni Cabotaje na maaari pa rin naman silang mabakunahan ng ikalawang dose dahil sa maaaring umabot ng hanggang 40 na araw ang paghihintay para makumpleto ang kanilang bakuna.
Makukumpleto na umano ang kanilang doses dahil sa pagdating nitong Sabado ng 190,000 doses ng Sputnik V.
Hinihiling rin ng Pilipinas sa COVAX facility na dagdagan ang ipinapadalang bakuna ng Johnson&Johnson na ‘one-dose’ lamang dahil sa ito ang pinapaboran nila para sa mga ‘senior citizens’ at maging sa mga Muslim lalo na ang mga Badjao na palipat-lipat umano ng lugar na tinitirhan.
- Latest