^

PM Sports

Gilas ‘di umubra sa New Zealand

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas �di umubra sa New Zealand
Napilitang ipasa ni Gilas ace Kiefre Ravena ang bola nang madepensahan ng New Zealand player.

MANILA, Philippines — Hindi nakaporma ang Gilas Pilipinas kontra sa host na New Zealand matapos makalasap ng tambak na 60-106 kabiguan sa pagsisimula ng ikatlong window ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Eventfinda Stadium sa Auckland.

Tanging si Carl Tamayo, na may 16 puntos at limang rebounds, lang ang nakapagpakitang-gilas sa maalat na 46-point defeat ng Nationals.

Hindi rin sumapat ang 11 markers ni Rhenz Abando para sa mga bagito, undersized at undermanned na Gilas sa kawalan ni naturalized player Ange Kouame dahil sa meniscal sprain at partial ACL tear injuries nito.

Kulang-kulang na 11-man roster lang ang Gilas sa trangko ni coach Nenad Vucinic kontra sa New Zealand na hindi nila natapatan sa laki, karanasan at pisikalan nang maiwan agad sa 21-47 deficit sa halftime.

Hindi na nakabangon pa ang Gilas mula sa masaklap na simula tungo sa ikalawang kabiguan sa parehong koponan matapos ding yumukod sa ikalawang window sa Smart-Araneta Coliseum noong Pebrero.

Doon ay natalo ang Gilas sa gabay ni program director at head coach Chot Reyes, 88-63, upang malaglag sa 1-2 kartada sa Group A ng Qualifiers.

Umangat sa 4-0 ang New Zealand sa panguguna ni Dion Prewster na may 15 markers.

Pahinga muna ang NZ hanggang sa susunod na window habang susunod na sasagupain ng Gilas ang India (0-3) sa Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with