^

PM Sports

Lady Bulldogs dumiretso sa 8-0

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang makatibag sa National University nang itarak nito ang 25-21, 25-20, 25-17 demolisyon sa De La Salle University upang manatiling malinis ang rekord nito kagabi sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kaliwa’t kanang ata­ke ang pinakawalan ng Lady Bulldogs sa pangu­nguna nina outside hitters Princess Robles at Michaela Belen katuwang si opposite hitter Alyssa Solomon.

Nakalikom si Robles ng 17 puntos mula sa 15 attacks at dalawang aces para dalhin ang kanilang tropa sa matikas na 8-0 rekord.

Malaking pasakit sa Lady Spikers ang ilang krusyal na errors nito upang tuluyang mahulog ang kanilang koponan sa ikatlong puwesto bitbit ang 5-3 baraha.

Sa unang laro, mabilis na nakabangon ang University of Santo Tomas (UST) sa dalawang sets na pagkakalugmok upang kubrahin ang 24-26, 20-25, 25-21, 25-23, 15-12 come-from-behind win laban sa Adamson University.

Hataw si outside hitter Eya Laure nang pumalo ito ng 21 puntos kasama ang 13 receptions para pamunuan ang Tigresses na makuha ang ikaanim na panalo.

Napatatag ng UST ang kapit nito sa No. 2 spot tangan ang 6-2 marka.

Namayani rin ang University of the Philippines sa University of the East, 25-23, 26-24, 25-17 habang nanalo ang Ateneo de Manila University sa Far Eastern University, 25-22, 25-13, 25-23.

Magkakasalo na ang Adamson, UP at Ateneo sa ikaapat na puwesto tangan ang magkakatulad na 4-4 baraha.

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with