^

PM Sports

PBA Governor’s Cup babalik sa Pebrero

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasabay ng unti-un-ting paghupa ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila ay inaprubahan kahapon ng PBA Board of Governors ang pagbabalik ng 2021-2022 Governors Cup.

Nakatakda ang resumption ng naudlot na torneo sa unang linggo ng Pebrero.

“As cases of CO-VID-19 infections in Metro Manila start to slow down, the PBA board ... unanimously agreed to resume action in the Governors’ Cup by the first week of February,” ang official statement ng PBA Board.

Walang inilabas na detalye ang liga kung saang venue gagawin ang restart ng import-flavored conference na pansaman-talang inihinto noong Ene-ro 3 dahil sa paglobo ng mga COVID-19 cases sa Metro Manila.

Inaasahang paplan-tsahin ng PBA ang bagong iskedyul, venue at mga health and safety protocols na gagamitin.

Huling naglaro ang PBA noong Disyembre 26 sa limitadong live audience sa Smart Araneta Coliseum.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, hihintayin nila ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagpapatuloy ng torneo matapos iendorso ng Games and Amusements Board (GAB).

Inaasahang muling gagamitin ng PBA ang home-venue-home set-up na una nilang ipinatupad noong 2021 Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kailangan din ng PBA ng green light mula sa mga Local Government Units (LGUs) sa pamamagitan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagsisimula ng scrimmages ng 12 koponan.

Bibigyan ng PBA ang mga koponan ng 10 araw para makapag-ensayo upang makabalik ang mga players sa kanilang mga kondisyon.

“If we are resuming early February, sana we can do full practices already,” ani NLEx coach yeng Guiao. “We need to practice 5-on-5 at least a week before resumption para makuha ulit namin iyong timing namin.”

Pansamantalang sinuspinde ng liga ang mga laro dahil sa paghataw ng mga COVID-19 cases bunga ng Omicron variant at nang ilagay ng IATF ang Metro Manila sa mahigpit na Alert Level 3.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with