^

PM Sports

Lalawak ang gusot?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa gitna ng pandemya, maganda pa rin ang simula ng Philippine sports sa taong 2022-- salamat sa WBC world featherweight crown na sinungkit ni Mark Magsayo sa New Jersey at sa Top 6 finish ni Yuka Saso sa Tournament of Champions sa Orlando, Florida.

Ito’y makinang na weekend para sa ating bansa sa international scene.

Pero nagkaroon ng kaunting mantsa dahil sa malungkot na desisyon ni pole vaulter EJ Obiena na huwag pumasok sa mediation process na alok ng Philippine Sports Commission upang ayusin ang kanyang gusot sa kanyang national sports association na PAFATA.

Sa kanyang latest na Facebook post, muli niyang inakusahan ng “bad faith” ang PATAFA, at obviously umaasa siya ng saklolo sa higher sports officials ng bansa sa kanyang pakikipagiringan sa kanyang NSA.

Susmaryosep! Sayang naman ang effort ng PSC, sayang ang pag-asang mahilot ang gusot, at nagdedelikado ngayong lumipad na parang bula ang investment sa kanya ng bansa.

Kung matutuloy ang kanilang banggaan, either babagsak ang liderato ng PATAFA o mawawala sa national pool si Obiena. Kung hindi matutuloy ang mediation, matutuloy ang problema ng PATAFA sa Philippine Olympic Committee na actually ay may desisyon nang panig kay Obiena.

Nagbabanta ang hidwaang mas malaki at mas malawak sa desisyon na ito ni Obiena.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with