^

PM Sports

Kai Sotto makakalaro na uli

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Kai Sotto makakalaro na uli
Kai Sotto.

MANILA, Philippines — Matapos ang eksaktong isang buwan ay balik-aksyon na sa wakas si Kai Sotto at ang Adelaide 36ers ngayon sa Australia National Basketball League.

Natengga ang 36ers dahil sa COVID-19 protocols kaya sabik na silang sagupain ang dayong Perth Wildcats sa Adelaide Entertainment Center para sa kanilang unang laban ngayong 2022.

Sisiklab ang aksyon sa alas-4:30 ng hapon (Manila time).

Noong Disyembre 18 pa huling sumabak sa hardcourt ang tropa ni Sotto nang matalo sa Cairns Taipans, 93-67, upang malaglag sa 2-3 kartada.

Iyon din ang naging opisyal na NBL debut ni Sotto para sa Adelaide matapos hindi makasalang sa kanilang unang apat na laban dahil sa namamagang tuhod.

Inaasahan ang kanyang buong puwersa para matulungan ang 36ers na masilat ang league leader na Perth, may hawak na 5-1 baraha.

Noong Disyembre 28 pa sana naglaban ang Adelaide at Perth ngunit nalagay sa COVID-19 health and safety protocols ang koponan matapos magkaroon ng positive case sa kanilang kampo.

Simula noon ay apat pang laro ng 36ers ang na-postpone kontra sa South East Melbourne (Enero 2), Perth uli (Enero 7), Illawarra Hawks (Enero 9) at Tasmania JackJumpers (Enero 16).

Nitong Linggo pa sana nakabalik sa aksyon ang Adelaide kontra sa Tasmania subalit ang JackJumpers naman ang nalagay sa protocols.

vuukle comment

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with